Chapter 17

20 3 0
                                    

Two days ago nang huli kaming nagkasama sama nila Joy. Busy na rin kasi sila dahil malapit na ang pasukan. Kaya andito akong mag isa sa clubhouse. Nakababad lang ang paa ko sa pool. Nandito ko para lang makapag unwind, ewan ko ba. Sobra akong naii-stress sa mga bagay bagay.

Una, sa pamilya ko. Hindi ko maintindihan, iba kasi yung kutob ko kay Mama. Parang...alam mo yon? May mali talaga eh. Tapos si Ate naman, palagi na siyang wala sa mood. Mula nung iwan siya ni Kenneth. Hindi mo na nga makausap ng maayos, palagi pang wala sa bahay.

Wednesday ngayon, so may Training, pero hindi pa ako kumikilos. Nanatili lang nakakababad ang mga paa ko sa tubig. Wala akong gana. Parang gusto ko munang ipahinga ang utak ko sa mga problema.

"Gusto mo siya ano?" Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko.

Isang Serina ang bumungad sa akin.

"Pinagsasasabi mo?" Tugon ko at ibinalik ang tingin sa tubig.

"I can feel it, girl. Gusto mo siya. Yung mga titig mo sa kanya? Well, sorry ka nalang. Dahil ako ang gusto niya." Putang ina talaga bang hindi niya ako titigilan? Edi magsama sila! Leche pala pag untugin ko pa sila.

"Iyong iyo na si Ezekiel. Alam ko naman na hinding hindi siya magiging sa akin dahil sayo siya." Ang sakit sakit sabihin ang mga salitang iyon.

"Good." Aniya at ramdam ko ang pag alis niya.

Tadhana na mismo ang nagbibigay dahilan para pigilan ko yung nararamdaman ko para sa kanya. Paano ko ba kasing naramdaman 'to? Hindi ko alam!

*kriiiiing...

Napatingin ako sa cellphone ko sa tabi ko.

Coach calling...

Patay! Sinagot ko kaagad iyon.

Hello?

[Mia! Where are you?! Next week na ang pasukan so it means, malapit na ang tune up against CMU! So where the hell are you?!] Okay, the monster!

I'm on my way na po coach. Traffic eh. Sagot ko tsaka ibinaba ang tawag ko. Agad akong umuwi at gumayak.

Wala pa mang laman ang tiyan ko. Bahala na nga. Ang tanga tanga ko kasi! Ang arte arte pa!

*

"Give me 20!" Singhal niya sa akin.

Damn! 20?

Agad ko ng sinimulan ang 20 na iyon. Putcha kakayanin ko ba? Hindi ko nalang muna inisip ang mangyayari. Tinapos ko muna iyon. Pero nang malapit na ako sa ika-20 ko ay bigla nalang nagdilim ang paningin ko.

Napaluhod ako habang hinahabol ang hininga.

"Mia!" Iyon na lamang ang huli kong narinig nang naramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig.

*

"Okay, look. I'm sorry for what happened. Hindi niya sinabi na wala palang laman ang tiyan niya." Rinig kong boses ni Coach.

Hindi ko muna iminulat ang mata ko.

"Diyos ko! Hindi po sapat na dahilan iyon, pinarusahan niyo yung kapatid ko." Si Ate? Anong ginagawa niya dito?

"Kasama iyon sa rules namin. She's late, so I give her a punishment."

"Sorry pero hindi ako papayag ng ganito nalang. Patitigilin ko na si Mia sa paglalaro. Hindi na siya magvavarsity." Agad akong nadilat nang marinig ko ang sinabi ni Ate.

"Ate..you don't have to do that. Okay lang ako. At isa pa, kasalanan ko rin naman eh." Nasa clinic pala ako. Ano na nga bang nangyari?

"Mia.. Pinaparusahan mo yung sarili mo eh." Nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon