Chapter 22

23 2 0
                                        

A/N: Sabaw ang update. Haha. Pasensya na poooo. Thank you.

*

5:30am nang nagising ako. May training nga pala kami ngayon kaya naligo na ako. Nagbihis lang ako ng short pang-training at tshirt.

Bumaba na ako para magluto, tulog pa sila Mama eh. Matapos kong magluto ay kumain na rin ako. Kung hihintayin ko pa kasi silang magising ay baka tanghaliin na ko. 6:30 na pala, kaya lumabas na ako ng bahay.

"Good morning! 6:30 na. Sakto! Let's go." Si Zek. Ginagawa niya -- ah oo nga pala! Naalala ko yung sinabi niya kagabi na ihahatid niya ko.


"Good morning." Pinagbuksan pa niya ako ng pinto at sumakay na. Umikot skya sa kabila para makasakay na rin.


"Nagbreakfast ka na?" Tanong ko nang makaupo siya.


"Medyo lang. Ikaw?" Medyo? Ano yun? May ganon ba?


"Kumain ako wag kang mag alala. Hindi pwede yung hindi ako kumain dahil may training kami." Sagot ko.

"Buti naman."


After ilang minutes ay nakarating na rin kami sa school.


"Hindi mo maipapasok ang sasakyan dahil wala ka namang gate pass tsaka sticker. Kaya umuwi na ka." Sabi ko sa kanya.


"No. Sabi ko sasamahan kita, ipapark ko lang 'tong kotse at maglalakad tayo papasok." Oh no. Hindi ako nakaligtas.

Pinark muna niya yung sasakyan sa parking lot at hinawakan niya yung kamay ko at naglakad, "Akin na yung bag mo. Ako na magdadala." Kinuha niya sa balikat ko ang bag ko at isinukbit sa kanya.

At tulad ng inaasahan ko, paguusapan yan dito. Aba, may taga CMU na pumasok sa school namin eh.


"Omg ang cute nung guy!"

"Si Mia yun diba?"

"Oh my. Oo nga ano?"

"No doubts. Bagay sila infairness."

Magbubulungan ang lakas lakas. Nakakaasar lang ahh?

"Narinig mo ba yon? Bagay daw tayo. Di pa kasi ako sagutin eh!" Aniya at diretsong nakatingin sa daan.


"Eh bakit nagmamadali ka ba? Eh kung ayoko? Hindi ko naman kasi sinabing ligawan mo ko." Wika ko. Napatingin naman siya.


"Ang sungit mo talaga!" Piningot pa niya ang ilong ko. Aish ang hilig talaga!


Nang makarating kami sa gym ay marami rami na rin ang tao. "Maupo ka muna dyan kung gusto mo. Malapit lang naman dito yung canteen doon ka nalang." Sabi ko habang isinusuot ko yung sapatos ko.

"Pinapaalis mo ba ko? No. I'll stay here. Kung di ka makapag concentrate, don't worry di kita tititigan." Ngumisi pa ang loko.

"Ewan ko sayo!" Iniwanan ko na siya doon at pumunta na sa court.

"Give me 5." Ani Coach.

Pumila na kami at nagsimulang tumakbo. Sa tuwing matatapat ako kay Zek ay natatawa pa ang loko. Hindi mo alam kung nanumwisit o ano eh. Itatapat pa sa akin ang iphone 6 niya. Hindi mo tuloy alam kung pinipicturan ka o ewan! Basta nakakainis.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon