Chapter 19

30 3 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi nagsisink-in sa utak ko ang sinabi ni Zek. Seryoso ba siya? Oh joke lang niya yon? Lintek kung joke man iyon napaniwala ako!

"Miss, isang cappuccino and blueberry cheese cake." Natauhan ako sa umorder.

"One hundred thirty five only, Ma'am. I received two hundred pesos." Sagot ko.

"I really don't understand..kung bakit kailangan pang ulitin at sabihin ang binayad namin. Pathetic. Anyyway, keep the change." Aniya at naupo na.

Aba matapobre iyon ah? Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko. Ano namang hindi niya maintindihan sa pinagsasabi ko?

Thursday ngayon, pangalawang araw ko na sa trabaho. Noong tuesday ay hindi naging madali sa akin dahil hindi pa ako sanay. Pero ngayon, medyo okay naman na ako. Sa mga customer nalang ako nangangapa dahil iba't ibang ugali ang nakakasalamuha ko.

"Hay Mia! Customer is always right!" Bulong ko at ipinagpatuloy nalang ang pagtatrabaho.

Alas otso na rin ng matapos ang shift ko. Agad naman ibinigay sa akin ng Manager ang sahod ko. Arawan kasi dito, fifty pesos per hour.

Eh nakailang oras ba ako? One o'clock hanggang alas otso. Edi naka pitong oras ako ngayon, may three hundred fifty na ako. Ayos na rin kaysa sa wala.

"Thank you po. Sa sabado po susubukan kong pumasok kapag walang training." Mabait naman ang manager kaya okay lang kahit hindi ka pumasok.

"Sige, Mia."

Naglakad na ako palabas ng mall. Gabi na pero ang dami pa ring tao.

Napadaan ako sa isang tindahan ng sapatos, ang ganda naman. Kaso mayroon palang akong seven hundred pesos sa dalawang araw kong pagtatrabaho. Marami pa akong dapat bilhin, una na doon ang mga gamit ko sa eskwela. Tapos sa bahay pa.

"Kaya mo 'yan Mia. Ikaw pa. Diba strong ka? Para din 'to sayo."

Palagi ko nalang pinapatatag ang sarili ko. Ito nalang ang naging sandalan ko. Ako lang din naman kasi ang makakatulong sa sarili ko eh.

*bzzzt

Dinukot ko sa bulsa ko ang tumunog kong cellphone.

From Zek

San ka na? Wala ka pa daw sa bahay niyo sabi ng Ate mo. Nandun ako kanina, may ibibigay sana ako sayo.

-

Ayan na naman siya. Ganyan ba talaga ang mga lalaki? Mahilig mag paasa?

Nireplyan ko naman iyon..

To Zek

Pauwi palang.

*

Kahapon, buong araw siya nagtetext. Wala kaya siyang klase at nangungulit? Kinukulit niya ko na, manliligaw talaga siya.

Naisip ko, hindi ba masyadong mabilis? Biruin mo, isang buwan palang kaming magkakilala.

Posible nga kaya?

Palagi ko nalang tinatanong iyan sa sarili ko. Pati kasi ako, naguguluhan na eh.

*bzzzzzt

From Zek

Diba half day ka lang? Gabi na ah? Naggala ka pa?

*

Manliligaw ba talaga 'to o tatay ko?

To Zek

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon