Chapter 1

133 4 0
                                    

Maaga akong gumising dahil unang araw ko sa kolehiyo. Ang kinuha kong kurso ay Business Administration. Hindi dahil sa ito ang uso ngayon. Dahil ito talaga ang gusto ko.

"Mia, bumangon ka na dyan. Unang araw mo sa kolehiyo mahirap ang mahuli sa klase." Tawag sa akin ni Mama.

"Opo eto na." Itinupi ko na ang kumot na ginamit ko at bumangon na.

Kanina pa naman kasi talaga ako gising. Nagmumuni muni lang ako. Pangpasa-mood ba, ganon.

"Oh kumain ka na. Mahirap ang byahe ngayon, lunes pa naman." Ani Mama na nagtitimpla ng kape.

"Si Ate po?" Tanong ko sa kanya. Pagbangon ko kasi ay wala na siya sa kama niya.

"Maagang umalis ang Ate mo at orientation sa department nila. Hindi ba't student council siya?" Oo nga pala, second year na kasi si Ate. Sa pinapasukan niya rin ako papasok pero magkaiba kami ng course. Educ. ang kinukuha niya.

Kumain nalang ako nang makagayak na rin ako. Akala ko ay maaga pa. 7:30am na pala? Sabagay, maaga pa para sa pasok ko. 10:00am kasi ang schedule ko.

"Ilagay mo nalang yan sa lababo at ako na ang maghuhugas. Gumayak ka na nang hindi ka mahuli." Sabi ni Mama.

Inilabas ko nalang ang pinagkainan ko at dumiretso na rin sa banyo.

Sa sobrang excited ko ay halos sampung minuto lang yata ako sa banyo.

Gumayak na ako at isinuot ang isang black na t-shirt lang at pantalon tsaka ako nagrubber shoes.

"Mama papasok na po ako. Tulog pa rin si Ian?" Bunso naming kapatid iyon, natutulog pa rin.

"Oo, anong oras na kasi yan natulog kagabi. Alas dose na yata. Oh, baon mo." Inabot niya sa akin ang pera. "Sige na lumakad ka na." Nagpaalam na ako at lumabas na ng bahay.

Tumaas lang ng singkwenta ang baon ko. Noong high school kasi ako ay 100 pesos lang ang baon ko. Ngayong college ay naging 150 pesos naman. Sapat na ito para makapasok, makakain at makauwi.

"Gagaan din ang buhay mo, Mia." Nasabi ko nalang at huminga ng malalim.

I'm Mia Saranade, 16 years old. Galing sa break up. Joke! Pero totoo. Pero ito na talaga. Galing lang ako sa simpleng pamilya, hindi mahirap, hindi rin mayaman. Sakto lang, may kaya kumbaga. Wala kaming sariling bahay, sa bahay ng Lola ko kami nakatira. Mag isa nalang kasi siya sa buhay. Dalawa lang ang anak niya, si Tita at si Mama lang kaya, hindi na kami humiwalay.

Habang nasa byahe ako ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung akong pwedeng mangyari. Anong malay ko? Freshman palang ako. Wala pa kong alam sa buhay college.

Tiningnan ko ang schedule ko, 10:00am PE ang subject ko. Walang nakalagay kung anong room number, hala diyos ko pano ko 'tong matutunton? Manghuhula ako?

Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa school. Napabuntong hininga nalang ako nang makita kung gaano kalayo ang lalakaran.

"Wooo! Go lang, Mia." Nagsimula na akong lumakad.

Bawat makasalubong ko ay tinitingnan ko.

May nakasalamin, siguro ay matalino ito.

Grabe naman ang kulay ng buhok nito, akala mo mais na.

Ang isa namang ito, parang nagdedeliryo. Itim na itim. Kulang nalang ay pati lipstick itim rin.

Ako namang trip nitong isang 'to? Party ba ang pupuntahan at naka dress at high heels pa?

Oh eto naman, parang... parang wala lang. Walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Parang ako, simple. May nakasuksok na earphone at ubod ng lakas ang volume.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon