UNEDITED. DAMING TYPO.
Kinabukasan, pagkagising ko ay inilagay ko na ulit yung brace sa ankle ko. Na-dislocate kasi yung buto ko kaya kinailangang kabitan ng ganito.
Kaya ko namang maglakad, yun nga lang ay hindi ko maitapak ng mabuti sa sahig ang kanang paa ko. Kaya kailangan ko din gamitin itong saklay kahit ayoko.
Kailangan kong gumaling, kailangan kong makapaglaro. Pero sabi nga ng doktor, wag kong madaliin.
"Tulungan na kitang bumaba." Alok ni Ate. Nagpasalamat naman ako.
Pagbaba ko ay wala doon si Mama at si Ian. "Nasaan sila?" Tanong ko kay Ate.
"Nalaman na ni Papa yung ginawa ni Mama. Pinuntahan nila yung lalaki at si Papa mismo ang humarap. Everything will be alright, okay?" Ani Ate.
Sana nga.. Sana nga ganoon kadaling gawin ang makiusap para lang layuan ng lalaking 'yon si Mama. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin na gumugulo sa isip ko kung bakit niya iyon ginawa. Paano niyang nagawa kay Papa 'yon? Sa amin.. Paano niyang nasikmurang gawin yon?
"Kamusta yung paa mo? Masakit pa ba?" Tanong ni Ate at inalalayan ako na umupo.
"Masakit.. Sobrang sakit." ng puso ko..
"Alam ko, hindi lang yung paa mo ang masakit. Pati na rin 'yang puso mo. Matapang ka diba? Alam kong kaya mo 'yan. Kakayanin mo yan." Aniya. Laking pasasalamat ko at narito si Ate.
Tinapos ko na ang pagkain ko at napag isipan kong lumabas ng bahay. Gusto ko lang magpa-araw.
Naupo ako sa may bench sa ilalim ng puno.. Okay naman ang lahat noong una diba? Pero bakit ngayon, hindi okay? Ayaw ipaintindi ng tadhana sa akin kung bakit nagkakaganito ang buhay ko ngayon.
"Oh my gosh! Mia anong nangyari sayo?!" Napalingon ako, nakita ko sina Tin, Shina at Joy.
Tumabi sila sa akin, "Are you okay? I've heard what happened to you and Kuya. Naikwento ni Aaron. I'm really sorry, alam mo naman si Kuya." Ani Joy.
"Okay lang, yari na eh." Napayuko ako at napabuntong hininga.
"So hindi ka na makakapaglaro sa tournament?" Tanong nila. Tumango lang ako bilang kasagutan..
"Magpagaling ka nalang, Mia." Talagang magpapagaling ako, ano? Gusto kong makapaglaro ulit.
Malapit ng magtanghaling tapat, wala pa rin sila Mama't Papa pati si Ian. Ano na kayang nangyari?
Habang nag iisip isip ako, napatingin ako sa saklay sa tabi ko.. Pansamantala muna na sila ang magiging kaagapay ko.. Dati, si Zek ang andito.. Siya palagi ang nasa tabi ko. Pero ngayon, ako nalang mag-isa at ang saklay na 'to.. Nakakaiyak!
"Idol! Smile naman!" Napataas ako ng tingin.
Kiel...
Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko.. Si Kiel... Siya palagi ang handang sumalo sa akin.
"Ssshhh. Anong sabi ko sayo? Ayoko ng nakikita kang umiiyak. Sige ka, papangit ka niyan." Pinahid niya ang luha ko at tumabi sa akin.
"Hindi na ko makakapaglaro." Naiiyak kong sabi sa kanya.
"Ano ba yan.. Nagaya ka na kay Idol.. Kay Ara Galang.." Natatawa niyang sabi, "When your foot don't work like they used to before.." Kanta niya.
Sa halip na maiyak ako ay natawa nalang ako, kahit kailan ay hindi siya pumalpak sa pagpapatawa sa akin.
"Ayan..ganyan dapat. Smile lang palagi. Mas gumaganda ka." Hinawi pa niya ang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko.
"Sinaktan niya ko Kiel...." Napahagulgol ulit ako at napayakap nalang sa kanya.
"Ssshhhh. Tahan na.. He doesn't deserve you. Like what you've said, he doesn't deserve your precious tears." Hinagod niya pababa ang likod ko and I feel so safe when I'm with him.
"Akala ko, hindi ako masasaktan sa kanya eh. Sabi niya, hindi niya ako sasaktan." Patuloy lang ako sa pag-iyak habang patuloy din niya akong pinapakalma.
"Hindi naman maiiwasan ang masaktan, hindi ba? You're a strong woman, right? Ikaw nga ang nagturo sa akin kung paano maging matapang diba? Sa sarili mo namam gawin yon." Pinahid niya muli ang luha ko, "Andito lang ako..masasandalan mo. Bilang kaibigan." And he kissed my forehead.
Napayakap nalang ako sa kanya.
I am very thankful na sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin ni Kiel, he's still the same. Andito pa rin siya sa tabi ko. Hindi niya ko iniwan. Hindi siya nawala..
"Just call me if you need me. I'm always here for you." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Salamat, Kiel. Kahit naghiwalay tayo, andito ka pa rin. Andito ka pa rin para i-comfort ako." I hold his hand.
"Hindi naman dahilan yun para mawala ako sa tabi mo, diba? We're still friends. At special ka sa akin." Pinisil niya ang ilong ko, na gawain ni Zek.
"Sumama ka sa akin sa operation ko ha? Gusto ko pagkamulat ng mata ko, ikaw agad ang makikita ko." Sabi ko sa kanya, natawa naman siya.
"Demanding naman!" Natawa siya, "Your wish is my command, my princess." Ginulo niya ang buhok ko at inalalayan ako sa pagtayo, "Hatid na kita sa loob. Ang init init nasa labas ka."
Iniupo niya ako sa sofa at kinuha ang ointment at tinulungan ako ng paglagay sa ankle ko.
"Pagaling ka ha? Kahit hindi ka makapaglaro sa tournament, susuportahan pa rin kita." Nakangiti niyang wika habang minamasahe yung ankle ko.
"Avid fan ha?" Natatawa kong sabi.
Bumaligtad man ang mundo, he's still my number one fan. Oh Kiel...