A/N: Medyo short update.
Tanghali na akong nagising kinabukasan. Mayari nung nasaksihan ko sa park kahapon, natulog lang ako pag uwi ko.
Diba dapat hindi na ko marunong masaktan? Diba dapat malakas na ko? Diba dapat natuto na ko? Pero anong nangyari? Talo na naman ako, mukhang napana na naman ako ng lintik na kupidong yan.
"Mia bumangon ka na dyan, aalis ako kaya tulungan mo si Mama sa mga gawain." Ani Ate na gumagayak na pala.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko at tumayo na ng kama. Nag inat-inat muna ako at inayos ang hinigan.
"May lakad lang kami ni Kenneth." I see, may lakad sila ng forever niya.
"Iiwanan ka rin niyan." Bulong ko at lumabas na ng kwarto.
Bago ako makababa ay napadaan ako sa kwarto ni Mama, hindi ko naman intensyon na makinig pero may pumukaw talaga sa pandinig ko.
"Nandito yung anak ko kaya hindi pwede. Ako nalang ang pupunta dyan." Muli akong binagabag ng kuryosidad ko. Sana ay mali talaga ang iniisip ko.
Bumaba na ako at nag gayak ng almusal ko, wala na akong kasabay dahil tanghalian na at nakakain na sila.
*kriiiiiiing...
Phone ko ba iyon? Tumayo ako at hinanap, nakita kong nasa sofa at kinuha yun.
Joy calling...
"Hello?" Sagot ko.
"Hello, Mia? Kaninq pa kita tinatawagan hindi ka naman sumasagot."
"Sorry, naiwan ko kasi yung phone ko sa sofa." Sabi ko, ano kayang problem at napatawag siya?
"Oh well, nevermind nalang. Kaya ako napatawag para imbitahin ka sa Pajama Party ko mamayang gabi. Tayo tayo lang naman. No boys, swear!"
"Uhm..okay. See you later." Ibinaba ko na ang cellphone at bumalik na sa pagkain.
Tama ba? Tama ba ang desisyon ko? Magkikita na naman kami? Gusto ko na sanang umiwas para mapihilan ang pagbugso ng damdamin ko para sa kanya. Hangga't maaga. Hangga't kaya ko pa, pipigilan ko na.
"Mia, aalis na ko. Saglit lang naman ako." Paalam ni Ate.
Di ko nalang muna siya pinansin at niyari na ang pagkain ko.
Pagkatapos ko ay umakyat muna ako sa taas at binuksan ang laptop ko at itutuloy ang story na ginagawa ko sa wattpad.
[A/N: Pawang kathang isip ko lang po ang lahat ng ito. Walang totoo sa mga 'to. :) Enjoy reading!]
Prologue palang ang nagagawa ko, muli kong binasa iyon.
Sabi nila, masayang magmahal. Pero para sa akin, hindi.
Hindi masaya. Ang ibig sabihin kasi ng masaya ay puro sarap at ligaya lang ang ibinibigay sayo.
Pero sa pagmamahal, isa sa rekado nito ang sakit. So paano mong masasabi na masaya ang magmahal? Kahit kailan hindi naging masarap ang masaktan.
Tandaan mo, hindi ka isang Disney Princess na sobrang perfect ng love story.
*
"Ang immature. Sobrang immature ng gumawa nito."
Iyan ang natanggap kong salita nang ipabasa ko ito kay Cathy at Elly.
Immature nga ba? Pero lahat ng naisusulat ko doon ay totoo at yun naman talaga diba? Nasa reyalidad tayo, anong gusto nila? Yung parang fairytale?