Chapter 21

25 3 0
                                    

One month has passed. One month ko ng nararanasan kung paano ba manligaw ang isang Marck Ezekiel Santos. Masaya, oo! Yun nga lang makulit.

"Kumain ka na oh." pilit niya akong pinapakain ng mga pagkaing ayoko.

"I don't eat mashed potato, Zek."

"Hay nako, Mia!"

Sa huli, hindi rin siya nanalo sa akin. Duh? Ang pangit kaya ng lasa ng mashed potato.


Tapos minsan naman, mapilit siya.

"Susunduin kita mamaya." Aniya bago ako makababa ng kotse. Araw araw niya na akong inihahatid sa school.

"Hindi pwede. Kaya ko naman umuwi eh."

"Kahit na. Basta susunduin kita."


Pero syempre, hindi pa rin ako pumayag. Magkaiba kami ng schedule, tsaka may trabaho pa ako. Edi nalaman niya?

"Miss, one dark chocoloco and oh my---Mia right?" Sht!


"Serina?" Sa lahat pa ng kakain dito bakit siya pa?


"Oh my God. I can't believe this. Si Ezekiel, nililigawan ang isang cashier dito? Ew!" Pigilan niyo kong gumawa ng eskandalo dito.


"Eh ano naman sayo?" Sabi ko. Kahit pa customer is always right, aba! Wala na sa trabaho ko 'to. Ang insultuhin ako?

"Diba sabi ko sayo, layuan mo siya? Nawala lang ako ng almost three weeks, pagbalik ko nililigawan ka na niya? Ambisyosa ka rin eh, ano?" Tang ina neto ang sarap sabuyan ng mainit na kape!

"Lumayo ako, siya lang ang lapit ng lapit. Kasalanan ko?" Nanggigigil na talaga ko sa babaeng 'to!


"Ang kapal ng mukha mo--"


"Ma'am is there any problem here? Mia?" Si Boss!

"Wala po. Ma'am can I get your order?" Nakangiti akong humarap sa kanya. Siya naman, pokerface.

"One dark chocoloco. Keep the change." Inilapag niya sa harap ko ang five hundred bill.

Nakakainis! Kung pwede lang lagyan ng lason 'tong frappe niya eh!

"Mia, may problema ba? Parang gigil na gigil ka dyan? Take it easy. 'Wag mong idamay ang frappe na yan sa problema mo." Bakas sa mukha ni Boss ang pag aalala.


"Sorry po. Okay lang ako."

"Alam mo, iwan mo na yan. Malapit naman na ang closing, hayaan mo ng si Marco dyan. Sige na umuwi ka na." Kinuha ni Marco sa akin ang ginagawa kong frappe.

"Sa kaha nalang po ako. Mamaya na po ako mag-a-out."

"No. Umuwi ka na. Sige na at magpahinga ka na." Ani Boss.


Hay! Sa huli ah siya rin ang nasunod. Umuwi nalang ako, alas otso palang naman.

*bzzzzzt

Kinuha ko ang phone ko sa bag ko.

From Zek

Wru?

*

Ayan na naman siya.

To Zek

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon