Chapter 29

18 1 0
                                    

A/N: Unedited pa po itong chapter na 'to. Pasensya na talaga kung sakaling may mga typos. Thank you.







Nagising nalang ako dahil sa ingay sa baba kaya tumayo agad ako para tingnan kung anong ingay yon.





"Mama ano ba! Alam mo ba 'tong ginagawa mo?!" Sigaw ni Ate kay Mama.






"Wag mo kong pakialaman! Akin na nga yang cellphone ko!" Nilapitan ko muna si Ian na nakatingin lang sa kanila.








"Tigil na nga!" Sigaw ko. Dinala ko si Ian kay Ate, "Iakyat mo muna si Ian sa taas. Ako na dito." Sabi ko. Dinala naman niya sa taas si Ian.








Kinuha ko ang cellphone at tiningnan kung anong meron doon..






From Loves

Kita tayo maya ha? Love you.

*







"Ano 'to, Ma?!" Tanong ko. Eto na ba yun? Ano ba naman oo!







"Wala na kayong pakialam!" Sigaw niya sa akin.








"May pakialam ako, kami.. Anak mo kami eh! Pamilya mo kami! At isa pa, pinapahalagahan namin 'tong pamilya natin eh!" Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko.








"Pwede ba! Wag niyo na kong pakialaman! Matanda na ko at alam ko 'tong ginagawa ko!" Sagot niya at inagaw ang cellphone sa akin.








"Alam mo, Ma?! Alam mong hindi tama pero ginagawa mo pa rin! Ano ba naman, Mama! Kung kailan tumanda tsaka gagawin 'to? Lumalaking paurong ganon? Habang si Papa nagpapakahirap na makipagsapalaran sa Maynila, ito lang ang igaganti mo?! Ma, isip naman oh! Isipin mo naman kung anong mangyayari kapag pinagpatuloy mo pa 'tong maling gawain na 'to! Please, Ma! Wag mo namang hayaang masira yung pamilya oh!"











Tumakbo na ako palabas ng bahay.. Hanggang sa nakarating ako sa clubhouse ng subdivision. Umupo ako sa may pool side at hinayaang bumuhos ang rumaragasang luha.









"Doble pasakit naman yata 'to, Lord." Diyos ko..kotang kota na po ako sa problema.. Tama na..











"Sungit? Umiiyak ka ba?" Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko..






Si Aaron...







Umupo siya sa tabi ko, "Makikinig ako." aniya.







"Bakit nagagawang manloko ng isang tao?" Panimula ko.







"Kasi selfish siya. Sarili niya lang ang iniisip niya. Hindi siya aware sa kung anong pwedeng mangyari sa mga tao sa paligid niya." Seryoso niyang sagot.








"I hate her.. I really hate my mother." Naiiyak kong sabi.








"Nagegets na kita. Ganyan din ang Papa ko.. Pero pinatawad ko na siya. Kahit hindi niya alam, basta sa loob ko, okay na. He's already forgiven. Wala namang maidudulot na maganda kung puro galit ang nandyan sa puso mo. Walang mawawala kung magpapatawad ka." Napalingon ako sa kanya.. Akalain mo nga naman, maaasahan mo rin pala 'to.









Naalala ko yung mga sinabi ni Zek last week..







"Kapag may problema ka, ako lang una mong tawagan. Mas mabilis pa sa takbo ng kabayo, nandito na ko sa tabi mo." Aniya.







"Totoo ba yan? Baka naman mamaya kapag kailangan kita tsaka ka mawawala." Natatawa kong sabi sa kanya.







"Hindi pwedeng mangyari iyon, ano?" Ginulo pa niya ang buhok ko.








Nasaan siya ngayon? Wala. Sobrang taas ng pride niya.. Mataas na nga ang pride ko, nakikipag pataasan pa siya. So anong mangyayari? Wala!








"Nasaan ba si Zek at mag isa ka lang?" Tanong ni Aaron sa akin.







"Wala. Hindi ko alam. Malamang ay kasama si Serina. Palagi naman eh." Nakangisi kong wika.








"Okay ka rin ano? Ikaw ang nililigawan tapis iba ang kasama. Okay lang sayo yon?" Tanong niya.








"Bahala siya. Buhay niya yon eh." Bakit ko ba papakialaman ang buhay niya? Edi bahala siya.









"Woooaah! I think may problema kayo?" Aniya. Natatawa tawa pa siya.









"Wala kaya. Hayaan mo siya." Ang galing ko talagang magtago ng feelings!









Kasasabi ko lang pero tumutulo na naman ang luha ko. Ayaw makisama ano ba!









Iniharap ni Aaron ang mukha ko sa kanya ay pinahid ang luha ko gamit ang daliri niya, "Kapag nakita ka ni Zeki na umiiyak, masasaktan 'yon. Tumahan ka na, sungit. Hindi bagay sayo."









"Salamat Aaron ha?"









"Wala 'yon--.."









"What a nice scene!" Napalingon kaming parehas ni Aaron sa nagsalita sa likod namin.










"Oh Zeki bro!" Salubong ni Aaron sa kanya pero hini siya pinansin ni Zek. Tumayo kaming parehas ni Aaron at humarap sa kanya.










"Nakailang text at tawag ako sayo, Mia. Hindi ka sumasagot. Tapos maabutan ko kayo ni Aaron na naglalampungan dito? Wow! Just wow! Get a room!" Nagulat ako sa sinabi niya, ano daw?!









"What? Bro mali ang iniisip mo.. Kami na ni Joy and --.."









"Kayo na nga nung kapatid ko tapos hindi ka pa nakuntento pati itong si Mia sinungkit mo?!" Pagputol ni Zek kay Aaron.










Parehas kaming napanganga ni Aaron sa inakto niya. "Mauna na nga ako Mia! Ikaw na bahala dito." Magkasalubong ang kilay ni Aaron na umalis sa harap namin ni Zek.










Yung kabog ng dibdib ko, sobrang lakas..










"So ano? Tapos na kayo ni Aaron? So ako naman ang lalandiin mo?" Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi niya.










"Wala kang karapatan na sabihan akong malandi dahil wala akong ginagawang masama." Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.










"Hindi ka pa nakuntento sa akin ha? Isusunod mo naman yung kaibigan ko na alam mong boyfriend ng kapatid ko? Ganyan ka ba kadesperada, Mia? Kaya ka siguro iniwan ni Kiel, eh! Kagaya ka rin pala ng ibang babae!"









Hindi ko na alam ang sumunod pang nangyari.. Basta ang alam ko, dumampi na sa pisngi niya ang palad ko.









"Yan ang hirap sayo, Zek! Hindi ka nakilinig sa explanation ng iba! Hinahayaan mong makain ka ng sarili mong galit. Kung isang malanding babae rin lang naman ang tingin mo sa akin, sana hindi mo nalang ako niligawan.. Paasa ka rin eh!" Walang lubay ang pag agos ng luha ko, napakasakit!










Naglakad na ako palayo sa kanya, pero bago ako makalayo ay may sinabi pa ako, "By the way, wag na tayong magkita sa 25. Wala na kong dapat sagutin."











"Hindi mo na kailangang sabihin, dahil ako na mismo ang titigil sa panunuyo sayo. Tapos na kung anong meron sa atin." Narinig kong sabi niya.










Tumakbo na ako palayo, kasabay ng pagbagsak ng luha ko ang pagbagsak ng ulan.. Bakit ba palagi nalang akong nasasaktan? Diyos ko, ayoko na. Tama na, please.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon