Chapter 38

24 1 0
                                    

Andito ako ngayon sa clubhouse.. mag-isa. Palagi naman eh, kaya sanay na rin ako. Sanay na rin ako na wala siya. Isang buwan na ang nakalipas at hindi pa rin kami nagkikita at nagkakausap.







Kumusta na kaya siya? Ni misan kaya ay sumagi rin ako sa isip niya?







"Hindi nga kasi!"








Ano iyon? Zek daw? Boses ng babae iyon ah?







Sinundan ko ang tunog na naririnig ko at nagmumula pala iyon sa likod ng CR ng clubhouse.. Ano ba yun? Alas syete na ng gabi ah?








"Wag mo na kong paikutin, Serina. May boyfriend ka sa ibang banss tapos sasabihin mo sa akin na wala kaya ka nakikipag fling sa akin?" Boses niya 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali.








At anong sinabi niya? Serina?








"Because I want you, Zek! Wala siya dito para ibigay ang kailangan ko!" Ano bang pinaguusapan nila? I mean..pinag aawayan dahil nagsisigawan sila. Hindi ba sila aware na baka may makarinig sa kanila?








"What do you want? Se x? Am I right? Se x ang kailangan mo! Humanap ka dyan sa kanto, 'wag ako! Dahil hindi ako gago para gawin 'yon. At isa pa, may respeto ako sayo." Ani Zek. Medyo lumakad ako palayo sa clubhouse pero naririnig ko pa rin sila.








"Respeto? Wow, Zek! Sa pagkakaalam ko first year college ka palang ay may naka fling ka na. Tapos ngayon sasabihin mo yan? Oh c'mon, Zek! I know you want me too." Ani Serina.








"I don't want you.. I only want her." Napatigil ako, umaasa na naman ako sa sinabi niya.. Pinapasakit na naman niya yung puso ko.








"What the f uck! Ano ba'ng meron sa puñetang babaeng 'yon? Ano ba'ng pinakain niya sayo? I'm pretty sure ginayuma ka lang niya!" How desperate she is.








"Pwede ba?! Tumigil ka na! Mahal ko si---"








"Oh you shut up! Ayokong marinig ang pangalan nung babaeng 'yon! Mas mabuti pa na umalis na ko.. Naniniwala ako na kakailanganin mo rin ako."








Nagtago muna ako sa likod ng patio nang nakita kong umalis na si Serina. Naiwan si Zek na naupo sa pool side.








Nang nakalayo na si Serina ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko at humakbang palayo sa clubhouse nang hindi namamalayan ni Zek..but nagfailed ako..








"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong niya sa akin.








"Ako ba? Ahm..hindi. Ngayon palang ako dadaan." Oh jeez!








"Bakit? Saan ka nagpunta?" At kailan pa siya naging concern? As far as I remember ay kinalimutan niya na ako.








"Dyan lang, sa ano.. Sa mini mart. Di pa kasi ako nakakain sa bahay eh." At tsaka bakit ako kinakabahan ng ganito ngayong kaharap ko siya?








"Bakit hindi ka kumain?" Eh ano ba ang pakialam mo?










"Kauuwi ko lang kasi." I lied.








Aakma na akong umalis nang magsalita siya, "Kamusta ka na?" Bakit ganyan siya? Parang hindi na siya apektado. Samantalang ako ay sobrang lakas pa rin ng epekto niya sa akin.










"Maayos..ma..buti naman na." Sagot ko.










"Mabuti kung ganon. Sige una na ko."










WHAT THE?! Sht siya!









Iniwan niya akong tulala dito sa clubhouse. Buong akala ko ay ihahatid niya ako sa amin. Umasa na naman ako tng ina! Ano ba Mia!









Tila nakisama ang langit sa akin at bumuhos ang ulan.. Palagi nalang ganito.









Napaupo nalang ako sa hagdan ng clubhouse at hinayaan na mabasa ng ulan.. Ang sakit pala talaga.. Lalo na yung pagmasdan mo nalang sa malayo yung taong mahal mo. Palayo sa akin.. Hindi na nga kaya siya babalik sa akin?










Sa gitna ng pagbagsak ng luha ko, hindi na ako nakaramdam ng patak ng ulan..










"Baka kung mapano ka, Miss. Dis oras ng gabi nagpapaulan ka." Napatingala ako sa kanya.










Hindi ko siya kilala.. "Salamat, pero hindi naman kita kilala at hindi mo rin ako kilala. Hindi mo kailangan maging concern sa akin." Wika ko.










Umupo siya sa tabi ko habang hawak ang payong, "Kailangan ba kilala mo muna ang tutulungan mo? Para sa akin kasi, kapwa tao ko rin kayo, hindi dahil sa gusto kong magpakabayani, anh mga babae kasi ay inaalagaan."










Nakangiti siyang lumingon sa akin, "Taga rito ka rin ba?" Tanong ko sa kanya.










"Oo. Bagong lipat lang kaninang hapon. Lalabas sana ako kaya lang nakita kita rito. Ako nga pala si Gian, ikaw?" Mukha naman siyang katiwa-tiwala..










"Mia. Mia ang pangalan ko. Salamat sa pagpayong ha? Uuwi na rin ako." Tumayo na ako pero hinawakan niya ang kamay ko..










"Sayo muna 'tong payong ko, ibalik mo nalang kapag nagkita tayo. Dyan lang naman ang bahay namin sa likod ng clubhouse. Nice meeting you." Aniya.











"Nice meeting you, too. Salamat sa payong."










Tapos na nga kaya ang papel ni Zek sa buhay ko kaya may bago na namang tauhan ang dumating?










Ano ba yan, konti nalang maniniwala na ko sa kasabihang, "KAPAG MAY UMALIS, MAY BAGONG DARATING."

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon