Chapter 16

22 3 0
                                    

Warning!!! This chapter is for mature readers only dahil sa mga salitang gagamitin ko. Kaya kung ayaw niyo po ng ganun ay lagpasan niyo nalang. Thank you.

HUGOT KUNG HUGOT, para ito sa mga magkapatid na babae, SISSY MOMETS MUNA. Tama na muna ang KILIG MOMENTS. HAHA. VOMMENTS! TY. :*

-

Tanghali na kaming nagising kinabukasan. Alas tres na yata kaming natulog dahil sa pagkukwentuhan. Hindi ko rin nakita ni anino ni Zek. Siguro ay nakakulong lang siya sa kwarto.

"Oh girls, it's already 9:00 am. Tinanghali yata kayo ng gising?" Salubong sa amin ni Tita na nag gagayak ng almusal.

Naupo na kami sa harap ng pagkain nang nakita kong pababa na si Zek sa hagdan na gayak na gayak.

"Oh good morning hijo. Sumabay ka na sa kanila." Sabi ni Tita.

Nakipagbeso naman ito, "Hindi na po, susunduin ko pa si Serina eh. Doon nalang siguro ako kakain." Serina na naman.

"Serina? Ah. Okay." Tumalikod na si Tita at nagpunta na sa amin. Unalis na rin si Zek.

"Ayan na naman siya, kapag yan nasaktan ewan ko lang." Pabulong na sabi ni Joy.

"Tita kilala niyo po ba yung Serina na yon?" Tanong ni Shina.

Naupo naman si Tita sa harap namin, "Of course I do. I know her since Ezekiel's childhood." Malamang ay botong boto siya dito.

"Mom, did you like her for Kuya? Kasi ako, ayoko sa kanya." Ani Joy.

"Okay I'm trying to be a good mother here, but I don't like her too for Ezekiel. Nung bata pa kasi yan, walang modo. Maarte ang batang iyon, hindi ko gusto ang ugali." Diretsong sabi ni Tita.

"Baka naman po nagbago na." Nahihiya ko pang tugon.

"Siguro, pero kahit magbago pa siya, babalik at babalik pa rin ang dati niyang ugali." Sagot ni Tita.

Wala ng umimik sa amin kaya tinapos nalang namin ang pagkain namin.

"Tita thank you po. Uuwi na po kami." Paalam namin.

"You're always welcome here, girls."

Umuwi na kami sa kanya kanya naming bahay. Tutal Sunday naman, family day ngayon. Si Papa kasi hindi na umuuwi dahil maraming trabaho.

"Oh anak kumain ka na ba?" Tanong ni Mama sa akin nang makita ako.

"Opo kumain na ako. Akyat lang po ako." Paalam ko at umakyat na sa kwarto.

Naabutan ko si Ate na may kausap at nakaharap sa bintana. Mukhang hindi niya ako napansin kaya naisipan kong wag gumawa ng ingay.

Inilagay ko na sa marumihan ang sinuot kong damit tsaka ako sumampa sa kama. Nagbukas ako ng account sa wattpad at susubukan kong mag update ng story ko. One shot lang naman ito, kaya madali lang.

"Tang*na bigyan mo ko ng rason, Kenneth!" Napatingin ako ng narinig ko siyang magmura. Minsan lang magsalita ng ganyan si Ate kaya malamang ay may problema siya.

"Hindi ka ready? Putang *na pala Kenneth kung ganon bakit ka nagparamdam?!" Napahikbi nalang siya at napaupo sa kama.

"Hayop ang ganda ng rason mo! Katanggap tanggap! Leche!" Ibinato niya ang cellphone niya kaya napatayo ako at kinuha iyon.

Lumapit ako sa kanya, "Problema?"

Hindi siya sumagot, imbis ay umiyak nalang siya. Niyakap ko siya para maicomfort.

"Kwento mo na, dali. Makikinig ako." Umayos ako sa pagkakaupo then I lend my ears.

"Sabi niya mahal niya ko. Sabi niya patutunayan niya na may forever. Putang*na nasaan ang forever niya hay0p siya!"

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon