Chapter 3

26 4 0
                                    

Eto na. Eto na ang pinaka ayokong araw. It's Wednesday. Wanna know why? Because of that Accounting subject. I hate math. I really do. But I do love business. Hindi magkatugma, ano?

Parang kami ni Kiel, hindi talaga kami magkatugma.

"Hayaan mo, hindi ako papayag na hindi tayo sa future." Sabi ni Kiel habang hawak hawak ang kamay ko.

"E paano kung hindi?" Sabi ko.

"Edi hindi pa rin ako papayag. Aba naman! Gusto ko ikaw lang. Aawayin ko yang destiny na yan kapag hindi naging tayo forever." Proud na proud niyang sabi.

Everytime na magkasama kami, feeling ko, ako na ang pinakamasayang babae sa mundo. I feel safe when I'm with him. Pinagmamalaki niya ako sa lahat ng kaibigan niya.

I know, this kind of love is 'puppy' kung tawagin natin. But I don't care if it is Puppy Love or not. One thing's for sure, I LOVE THIS GUY. I LOVE KIEL.

"Mia, nakikinig ka ba?" Tanong sa akin ni Cathy kaya bumalik ako sa reyalidad.

Bumabalik talaga ang mga alaala niya.

"Ano na nga yun?" Balik tanong ko.

"Sabi ko tara ng pumasok, malapit na mag 2:30." Sabi niya at inakay na ko papasok sa building namin.

"Teka nga! Ang bilis niyo maglakad napapagod na ko." Napahinto kami sa paglalakad dahil napapagod na daw si Elly. May asthma kasi 'to.

"Talagang ganun, Elly. Sa college hindi pwede yung babagal bagal." Natatawa kong sabi.

"Pwede dahan dahan?" Tumatawa siya at hawak ang dibdib niya. Hingal na hingal talaga siya, si Cathy kasi ang bilis bilis.

"Talagang ganun, Elly. Sa buhay, kung babagal bagal ka, mapag iiwanan ka talaga." Hugot ni Cathy.

"Ocean deep bes! Ang lalim, sobrang hugot naman!" Ani Elly.

May mga pinanghuhugutan ba. Nakakatuwa naman, parang ako lang pala sila.

Sa college talaga, kahit kaunti lang ang kaibigan mo, alam mong totoo. Kapag naman high school, ang dami nga. Sagad naman sa kaplastikan.

"Sa college mo makikita ang tunay na kaibigan. Kasi matatanda na, mature na mag isip. Tsaka papunta na kayo sa propesyon niyo kaya ganon." Napangiti ako ng naalala ko ang sinabi ng Lola ko.

Tama nga siya.

"Tara na nga." Si Elly naman ang tumangay sa aming dalawa ni Cathy papasok ng room.

Pagkadating namin ay iilan palang din ang tao. Umupo kami sa unahan dahil accounting ang subject, kailangan intindihin.

"Hi Mia!" Sabay sabay na tawag sa akin ng mga lalaki sa likod kaya nilingon ko sila.

"Hello." Sagot ko naman at binalik ang tingin sa harapan.

"Hindi naman pala suplada, pare!" Sigaw pa nila.

Ako? Suplada? Talaga. Nasa mood lang ako ngayon kaya ko sila binati.

Pamaya maya lang ay dumating na rin ang iba naming kaklase.

Naiirita ko kapag nakikita ko 'tong grupo ng kababaihan. Ang aarte talaga. So kailangan terno terno? Wednesday ngayon kaya pink? Aba Mean Girls ang peg.

"Whooaa! Christian ang haba talaga ng hair mo!" Sigaw ni Leo kay Christian.

Kinindatan kasi ni Mae si Christian. Hanep! Pumasok para magpacute.

"Hi Christian!" Ani Mae at lumapit kay Christian. Umupo pa ito sa tabi niya na bakanteng upuan.

"Hi." Tipid na sabi niya.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon