Chapter 6

30 3 0
                                        

"Welcome to your new home, neighbor!" Bati sa amin ng babae na nakatira sa kabilang bahay na nalipatan namin.

Ilang buwan na rin pala ang nakalipas. Ilang buwan na rin nang iwan kami ng Lola.

October nung nalaman namin na may sakit siya, lumaki ang puso niya at may komplikasyon na rin. Kaya heto kami ngayon, lumipat na kami ng bahay dito sa ksang subdivision, sa Camella. Ibinenta namin ang bahay at lupa na pagmamay ari ng Lola ko sa halagang tatlong milyon. Sapat na iyon para mabayaran lahat ng pinagkakautangan namin.

Kaya lumipat na rin kami ng bahay dito, Marvela lang ang bahay namin dito, ibig sabihin non ay ang pinakamaliit na bahay sa buong subdivision. Ito lang ang kaya naming bayaran, sapat naman na 'to para sa amin. Dalawang palapag, msy dalawang kwarto sa taas. Sakto lang para sa pamilya namin.

Marami ng nagbago. Nawala si Mommy, nawala ang bahay namin na pinundar ng mga ninuno ko pa, yung pinsan ko na kasama ko sa bahay umalis na rin. Dinala na sa Bulacan para doon mag aral, kasama niya doon ang Tito ko. Ang Tita ko naman, nag ibang bansa na oara mas lumaki ang monthly income namin, at ang pinakamahalaga sa akin, nawala ang scholarship ko.

Sa isang iglap nawala iyon, sobra akong naapektuhan ng pagkawala ni Mommy kaya napabayaan ko. Kaya nagdesisyon ako na ngayong pasukan, sasali na ako sa Volleyball Team ng school.

Kapag kasi Varsity ka, libre lahat. Yun nalang ang tanging choice ko, tutal okay naman na kami ni Kiel. Siya naman talaga ang dahilan kung bakit ko tinalikuran ang paglalaro ko, pero ngayong papasukin ko ulit ang mundong iyon, handa na ulit ako.

"Mia, ipasok mo na yung ibang gamit. Yung kwarto sa kanan ang sa inyo ng Ate mo. Kami na ni Ian sa kabila." Sabi ni Mama kaya agad akong tumalima.

Pag akyat ko ay inayos ko muna sa cabinet ang mga damit ko. Hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyari makalipas ang isang taon.

Si Christian at Mae? Balita ko sila na ulit. Well, good for them.

Si Elly naman, student assistant na siya, kinailangan din niya ng scholarship, nagkaroon kasi sila ng financial problem.

Si Cathy naman, volleyball player na siya nung second semester. Pero sa department lang namin, hindi sa buong school. Hindi pa rin daw kasi siya ganon kagaling.

Si Kiel naman, varsity din siya. Basketball ang sports niya. Okay naman kami, nag ngingitian kapag nagkakasalubong pero hindi na katulad ng dati. Marami na nga kasing nagbago.

"Mia, kailan ka babalik ng school? Nag release na daw ng grades." Sabi ni Ate at naupo sa kama habang inaayos ang mga gamit niya.

"Baka sa Monday na. Friday palang naman diba?" Kinakabahan nga ako sa grades ko. Nung first sem nawala ang scholarship ko, kaya nung second sem, yung Lolo ko sa side ni Papa ang sumagot sa gastusin namin ni Ate sa school.

Hindi naging madali ang buhay namin nang iwan kami ni Lola. Nung nabubuhay kasi siy, halos siya lahat ang sumagot sa pang araw araw namin. Kaya nanibago kami nung nawala siya.

Lahat na yata ng lending corporation nautangan na ni Mama. Hanggang sa napadesisyunan nilang magkapatid na ibenta nalang ang bahay at lupa. Mahirap man, pero kailangan kasi talaga. Masakit tanggapin na mawawala ang bahay namin, dahil doon lahat nabuo ang masasayang memories, lahat. Doon kami nagkaisip. Pero sa isang iglap, nawala ang lahat sa amin.

Parang fairytale lang ang buhay namin, noon, masaya, nakakaangat sa buhay. Pero ngayon, iba na. Ibang iba na.

"Maiwan ko muna kayong dalawa. Isasama ko na si Ian, pupunta lang ako sa head office ng subdivision, ifufully paid ko na 'tong bahay para wala na tayong iniisip buwan buwan." Sabi ni Mama.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon