Nagising nalang ako kaninang umaga na basang basa ang unan ko. Basang basa ng luha. At siya pa rin ang dahilan ng mga luhang iyon.
"Mia, patingin nga ng assignment mo sa English." Ani Cathy. Ibinigay ko naman iyon agad.
Isang buwan na magmula ang pasukan. Wala pa ring pagbabago sa akin.
Ako pa rin pala yung Mia na iyakin. Yung duwag. Yung mahinang Mia.
*bzzzzzt.
1 message received
Tiningnan ko ang nag-vibrate kong cellphone.
From: Sarmiento, Christian.
Hey, merienda tayo? My treat. Kahit isama mo na si Elly at Cathy. I'll wait for you here infront of the Library.
***
Sa isang buwan na yun, mas nakilala ko naman si Christian ng husto. He's nice. Pero wala talaga akong nararamdaman na kahit pagka-attract man lang na sinasabi nila Cathy at Elly.
"Merienda daw. Sabi ni Christian." Sabi ko sa dalawa. Andito kami ngayon sa Library. Nagpapalipas lang ng oras. 5:30 pa kasi next class namin hanggang 7:00pm.
"Go lang. Gutom na rin ako." Sabi ni Elly.
Nireplyan ko naman na siya kaagad.
To: Sarmiento, Christian.
K.
***
Alam kong ito ang pinaka-nakaka insultong reply na ayaw matanggap na kahit na sino.
As I've told everyone, I'm a cold person.
Pagkayari naming gumawa ng dapat ay homeworks pero sa school ginawa, lumabas na kami ng library. I saw Christian pero nilagpasan ko lang siya.
"Hey wait!" Hinarang niya ako sa paglalakad.
"Nagugutom na ko, padaanin mo ko." Seryoso kong sabi.
"Pero sabi mo okay lang na kasama mo ako mag snacks?" Aniya. Akala niya ba ganun ganun lang ako kadaling mapapayag?
"Sorry pero nagbago na ang isip ko." Sabi ko at hinawi siya para makadaan ako. Pero hindi siya natinag, sinundan niya pa kami nila Cathy at Elly sa paglalakad.
"Wow! Paasa ka pala, Mia. Kaya ka siguro iniwan ng boyfriend mo at ipinagpalit sa mga kaibigan niya kasi ganyan ang ugali mo. Napaka cold mong tao!" Bulyaw niya. Paano niya nalaman iyon?
Huminga ako ng malalim at sumagot, "Wala kang alam, Christian. Walang wala! Kaya wag na wag mo kong pagsasalitaan ng ganyan. Sino ka ba ha? Isa ka lang hamak na istorbo sa buhay kolehiyo ko. Sa halip na nag eenjoy ako, eto ako ngayon, ginugulo mo!" Sigaw ko at nilagpasan siya.
Pero bago pa ako makalayo ah may sinabi pa siya, "Wag ka namang pa-hard to get!" Whatever! Wala akong pakialam sayo.
"Bes, ang sungit mo." Narinig kong sabi ni Elly.
Wala siyang karapatan para pagsalitaan ako ng ganoon lalo na at tungkol sa relasyon namin ni Kiel. Sino ba siya? Ang kapal ng mukha niya.
Nang makarating kami sa canteen ay tahimik lang kaming kumain.
"Walang pwedeng umaway sayo, Mai." He said and cupped my face.
"Ipagtatanggol mo naman ako, diba?" Nakangiti kong sabi.
"Oo naman. Ako ang superman mo. Ako ang hero mo." he kissed my forehead as a sign of respect.
This is the sweetest kiss ever.