Ilang araw na rin ang nagdaan. Malapit na mag 25. Malapit ko na siyang sagutin. Araw araw ay wala namang nagbabago. Ganon pa rin siya sa dati, makulit pero sweet. Lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya. Minsan nga isang araw ay pinuntahan ako ni Serina sa bahay..
"You're such a slut! Ang kapal ng mukha mo! If I know, pineperahan mo lang si Ezekiel." Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o mainsulto sa kanya.
"If I am a slut? How 'bout you? You're such a pathetic!" Akala niya ba ay papatalo ako sa kanya? Hell no!
"Hindi pa tayo tapos, Mia. Babalik ako at babawiin kung anong dapat sa akin."
Matatakot ba ko? Basta ang alam ko, dapat ipinaglalaban ko ang akin. Ipaglalaban ko si Zek kasi mahal ko siya.