It's Wednesday today. So it means may training. M-W-F ang schedule ng training. Yes, 2 weeks pa before mag start ang class pero may training na. Talagang ganon, sa isang varsity, hindi uso ang bakasyon. Kasi kahit ganitong panahon ay obligado kaming mag ensayo dahil kailangan naming maging malakas, marami kasing pwedeng i-adjust dahil maraming bago.
6:30am na rin nang naglalakad ako papunta sa gym. Ang daming tao ngayon, for sure ay nag eenroll na sila. Ang aga ah, mamaya kasi marami ng tao. Ako kasi hindi ko na iniisip yan. Sabi kasi sa amin, once na varsity ka, sila na ang bahala na mag enroll sa amin. Kaya wala na akong problema.
"Huy! Yan si Sarandade diba? Yung MVP nung Palarong Pambansa?"
"Oo siya nga. Varsity kaya siya?"
"Malamang, ayan oh nakalagay sa jacket, NSUWVT."
"Panigurado mananalo na ang school natin yan."
"Balita ko nay tune up daw sa July. Nood tayo ha!"
Narinig kong usapan sa likod ko. Hindi ko nalang nilingon, ayoko ng pa-famous. Gusto ko lang maging normal na estudyante.
"Oh Mia. Good morning. Hintayin lang natin sila then magsisimula na." Sabi ni Manager Paul. Student-manager namin.
Alas syete na siguro ng makumpleto kami.
"Okay, give me 10. Now!" Agad kaming tumakbo paikot sa gym nang sinabi iyon ni Coach.
"The monster is back!" Ani Ate Aileen, ang captain ball namin.
"What do you mean?" Tanong ko sa kanya.
"Si coach. Halimaw yan kung magpa-training." Natatawa niyang sabi.
Halata nga, 10 agad. Yung iba niyan 5 lang.
Nang matapos kaming umikot ng sampung beses sa gym ay pumaikot kami sa court para mag stretching.
Sanay pa rin naman kahit papaano ang katawan ko sa ganitong gawain. Buti naman kung ganon, hindi na ako mahihirapan mag-adjust.
Mayari ang sretching ay prinaktis naman namin ang blockings.
"Okay, 10 minutes water break." Ani Coach.
Pumunta muna ako sa bleachers para uminom. Habang umiinom kami ay may ipinapaliwanag si coach.
"The captain ball will be Aileen Bustamante, since senior year na siya at open spiker ka din. Libero will be Denice Rivera. Carol Cruz, ikaw sa opposite. Mia Sarandade, Open Spiker. Kaila Latigay, ikaw lang ang nag iisang setter, walang magsa-sub sayo so good luck! And Mika Ramos ikaw ang middle hitter and ikaw ang inaasahan sa blockings." Paliwanag niya. Kagaya ng inaasahan ko, Open Spiker ako.
"Coach sino naman ang first six natin sa laban?" Tanong ni Ate Aileen.
"Sa ngayon inoobserbahan ko pa, but I am really sure na pasok ka doon, Aileen. Syempre ang setter natin na si Kaila. At asahan mong kasama ka doon, Mia." Nakangiting tugon niya.
"Thank you po." Sagot ko sa kanya.
Para sa akin kasi, napakalaking bagay ang masama sa first six dahil isa ka sa pinagkakatiwalaan ng team.
12 members lang ang team. Dalawang libero, isang setter, tatlong opposite, dalawang middle blocker, dalawang middle hitter tsaka dalawang open spiker.
"Mia, okay na yung mga papers mo. Enrolled ka na. Eto yung schedule mo." Ani Coach at ibinigay ang COR ko or Certificate of Registration.
"Salamat po." Tugon ko.
"Maliit na bagay, Mia. Malaking kabayaran na ang pagsali mo dito. Ikaw ang hinahanap ko. Kumbaga, parang sa ulam, ikaw ang kulang na seasoning mix." Natatawa niyang sabi.