Chapter 30

21 1 0
                                    

A/N: Still unedited. Short UD. Lovelots. Ü



- Miss Otor


*





Maaga akong gumising dahil nagpatawag ng training si coach. Sa pasko at new year kasi ay baka hindi na kami makapag training. Okay na rin ito, wala rin naman akong ginagawa. Wala rin kasi akong trabaho. Bale next year na ulit ako papasok sa KF.








"Oh, aalis ka?" Tanong ni Mama.





"Sa school lang." Tipid kong sagot at lumabas na ng bahay.





Sana ay hindi muna kami magkita. Ayoko pa, hindi pa ako handa. Feeling ko kasi, kapag nagkita kami kahit wala siyang ginagawa ay masasaktan pa rin niya ako. Kotang kota na ko sa pasakit, awat na muna.








*





"Mia! Ayusin mo naman!" Sigaw ni Coach sa akin.





Kanina pa 'to ah! Ayaw umayos! Mia ano ba?!





"Sorry po." Puro nalang out o di kaya naman ay ayaw pumasok ng palo ko. Ano bang problema?






"Okay ka lang ba, Mia?" Tanong ni Ate Aileen sa akin. Nakabalik naman na ulit siya sa paglalaro.






"Okay lang ako. 'Wag niyo na kong intindihin." Sabi ko nga, hindi ako showy na tao.






Kahit hindi okay, sasabihin ko pa rin na okay lang ako. Lintik kasi na puso! Isang organ lang naman sa katawan pero kapag nasaktan buong katawan mo apektado!







"AAAHHHH!!!" Fvck! Parang napalipit ang paa ko!







"Anong nangyari?" Agad na lumapit sa akin si coach pati na rin ang ibang teammates ko.






"Namali yata ng bagsak coach." Narinig kong sabi ni Ate Aileen.






Hindi ko maigalaw ang paa ko.. Mali ang bagsak ko.. Kasing sakit ng nararamdamam ng puso ko.












"Payo ko lang, wag niyo munang paglaruin ang bata ng mga 3 months. Hindi biro ang injury na natamo niya. Halos madurog ang buto niya sa paa eh. Delikado pa kung maglalaro. Bibigyan ko nalang siya ng braces na ikakabit sa may ankle niya para maging maayos yung buto. And ito yung mga iinumin niyang gamot kasama na rin yung ointment na ipapahid sa buto." Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi ng doktor.









"Kakayanin ko naman po'ng maglaro." Singit ko sa kanila ni coach.









"Hija, wag mong pilitin. Mas lalong mapapasama sayo at may posibilidad na hindi ka na makapaglaro kailanman. Excuse me.." Tumulong muli ang luha ko.









"Mia, pahinga ka muna this year. Next year ka na maglaro." Ani coach.









"Pero paano po yung scholarship ko? Kailangan ko iyon." Hindi pwedeng mawala sa akin iyon.









"Don't worry about that. Na sayo pa rin ang scholarship. It's time to give you a break."









I feel sorry.. Ngayon pa na kailangan din ako ng team.









"Don't worry about us, Mia. Kaya namin 'to." Sabi ni Ate Aileen..









Buti at nakabalik na siya sa paglalaro, dahil kung nagkataon na hindi, at nainjured ako.. Wala kaming chance na makapasok sa tournament.









Matapos akong bigyan ng gamot at ikabit ang braces sa ankle ko, inihatid na rin ako sa bahay.









"Diyos ko! Mia anong nangyari sayo?!" Salubong ni Mama sa akin.









Hindi ko siya pinansin, imbis ay kinuha ko kay coach ang saklay ko at naglakad ng mag isa. Galit ako sa kanya, hindi ganon kadaling magpatawad.









"Nainjured po si Mia, heto yung mga gamot na kailangan niyang inumin at yung ointment na gagamitin niya. And by next month, isasagawa yung operation niya. Don't worry about the expenses, sagot lahat ng school."









Hindi ko inakala na aabot ako sa ganito.. Sobra na ba yung nagawa kong sakripisyo kaya ganito nalang ang nangyayari sa akin?










Kaso doble pasakit pa eh! Ayoko ng ganito! Sawang sawa na kong masaktan! Kotang kota na ko sa problema! Ayoko na tama na!








*

From Zek

I'm so sorry. Kita tayo sa clubhouse mamaya.

9:00am

*

From Zek

Alam ko galit ka. Kaya nga kailangan nating mag usap.

9:10am

*

From Zek

I'm on my way. See u. Imissyou!

9:15am

*








Mark all.. Deleted!









Tama na, ayoko ng saktan ang sarili ko. Tao lang ako, napapagod din. Hindi naman ako robot eh.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon