Chapter 10

23 3 0
                                    

Alas singko na siguro nang makarating ako sa subdivision, naglalakad na ako papasok. Medyo nakakaramdam na ako ng pagod, malayo pa naman ang Marvela dito.

Pero hindi ko nalang muna ininda ang pagod ko. Mas inalala ko ang nangyari ngayong araw.

Una, nakuha ako bilang varsity, so it means automatic na yung scholarship ko. Sa wakas at hindi na mamomroblema sa akin sina Mama at Papa. Pangalawa, may trabaho na ako. Hindi na ko mamomroblema sa pang araw araw na baon ko dahil iyon nalang ang gagastusin ko.

Hindi alam ni Mama na magtatrabaho ako, kaya ang gagawin ko sa mga binibigay niyang baon ay itatabi ko.

"Mia!" Napalingon ako sa sumigaw sa likod ko.

"Ezekiel? Oh?" Tumakbo siya palapit sa akin.

"Wala naman, nakita lang kita. Galing ako sa labas, buti at nakita kita para may kasabay ako papasok." Aniya.

"Ahh." Matipid kong sagot.

"Kamusta yung tryout?" Tanong niya sa akin.

"Maayos naman. Tanggap ako." Bakit ko ba sinasabi 'to sa kanya. Hindi pa nga kami gaanong close, ah?

"Congrats!" at dahil feeling close siya, edi sige close na kami.

"Salamat." Ewan ko ba, wala ako sa mood na magsalita ngayon.

Tahimik lang kaming naglalakad, kung minsan ay nagkakabangga ang mga kamay namin ay hindi ko nalang pinapansin.

Sa totoo lang, tuwing nakikita o nakakasama ko 'tong lalaking katabi ko ngayon, naaalala ko si Kiel. Ganito rin kami nung unang beses kaming nagkakilala. Hindi nag uusap, nagkakahiyaan na magsalita. Hay! Kamusta ka na ba, Kiel?

"Nako mukhang hindi na kita maihahatid sa inyo, Mia. Dito lang kasi ako." Aniya nang nahinto kami sa may kalakihang bahay.

"Ah. Okay lang. Kaya ko naman mag isa eh." Sanay na talaga akong mag isa. Palagi naman.

Pero bakit may nararamdaman akong iba, na parang gusto ko nalang ay lumakad nang lumakad ng kasama siya kahit hindi kami nag uusap? Parang gusto ko na ihatid niya ako sa amin.

Ang labo mo, Mia!

"Sige. Congrats ulit. See you tomorrow!" Sabi niya at pumasok na sa loob ng bahay.

Tumalikod na ako at naglakad.

Nagulat ako nang biglang kumulog at bumuhos ang ulan.

Kapag nga naman minamalas ka oh. Wala akong dalang payong o kahit na ano mang pantakip.

"Kung kasama po ito sa blessing ko ngayong araw, thank you po!" Sabi ko nalang at tumingala sa ulan.

Wala akong pakialam kahit basang basa na ako, mabagal lang ang paglakad ko para mas maramdaman ko pa ang ulan. Pero nagulat ako ng may biglang nagkaroon ng jacket sa balikat ko at binalutan ako. Hindi ako nakakilos, wala na rin akong nararamdaman na patak ng ulan dahil sa payong na sumasalo ng mga patak nito.

"Baka magkasakit ka niyan." Napalingon ako sa likod ko.

Si Ezekiel, na naman.

"Salamat."

Sinabayan niya ako sa paglalakad habang hawak ang payong.

"Kung samahan mo nalang kayo akong maligo sa ulan?" Sabi ko at sabay ng pag agaw sa kanya ng payong.

"Uhg! Mia akin na nga yung payong!" Sabi niya kaya tumakbo ako ng mabilis. Nang makaramdam ako ng pagod ay umupo ako sa tabi ng daan at pumikit. Muli kong niramdam ang patak ng ulan.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon