Hindi muna kami umalis dito sa ilog, hihintayin namin ang paglubog ng araw.
"Kakantahan nalang kita para hindi ka mainip." Aniya at may kinuhang gitara sa likod ng puno.
"Marunong ka ba naman?" Tanong ko sa kanya.
"Aba oo naman. Pakinggan mo ha." Aniya at nagsimulang mag strum ng gitara.
(Now playing: Di Na Mababawi)
Ngayo'y aking inuunawang pilit
Mga pagkukulang kong iyong ginigiit.
Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang ang aking iniintindi.
Nakatanim pa saking alaala
Pangako mong mananatili ka.
Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito na ngayo'y bitin na bitin.
Di mo na mababawi iniwang sakit sa mga salitang binitiwan mo.
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda at siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako'y 'yong pinaasa...
Parang para sa akin yata talaga ang kanta niya ah?
"Bakit naman yan ang kanta mo?" Tanong ko sa kanya mayaring kumanta.
"Wala lang. Wala akong maisip eh. Maganda ba boses ko?" Natatawa niyang tanong.
"Pwede na. Hindi na masama." Sagot ko at tumawa nang tumawa. Maganda naman ang boses niya.
"Yabang nito. Ikaw nga oh." Iniabot niya sa akin ang gitara.
Kinuha ko naman iyon at nagsimulang mag strum.
(Now playing: Tadhana)
Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong
Damang dama na ang ugong nito
Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pagsinta
Bat di papatulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo..
Ohhhhh.
Titig na titig siya sa akin kaya tumigil ako sa pagtugtog at pagkanta.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Nakakainlove ka lalo kapag kumakanta." Seryoso niyang sabi.
"Gago!" Sigaw ko at ibinato ang gitara sa kandungan niya.
"Totoo nga! Ikaw na nga 'tong pinupuri ayaw pa!" Aniya.
"Anong gusto mong kanta nating dalawa?" Tanong niya. Ang corny ha? Hahaha.
Baka pag sinabi kong corny siya ay magalit na naman kaya hindi ko na sinabi.
"Ewan ko. Wala akong maisip eh." Iba kasi ang sumagi sa isip ko. Alam niyo kung ano?
"Zek?" Tawag ko sa kanya.
"Mm?" Aniya at nakatingin sa akin.
"Nung ano..gabing nag away tayo.. Napadaan ako sa bahay niyo.. Ano kasi..andoon ba si Serina?" Tanong ko sa kanya.
"Huh? I don't know what you are talking about. Nung gabing nag away tayo ay hindi ako dumiretso sa bahay. Nagdrive lang ako nang nagdrive. Umaga na nga akong nakauwi eh. Bakit?" Paano? Paanong wala siya doon?
"Nakabukas kasi yung..ilaw sa kwarto mo.. May natanaw akong babae't lalaki. Hinalikan pa nga nung babae yung lalaki. Hindi ba..ikaw yun?" Jeez sana naman tama yung hinala ko na siya yon! Lalabas nito na nagseselos ako fvck!
"It's not me. Siguro ay sina Joy at Aaron. Doon natutulog si Aaron sa amin ngayon dahil walang kasama yon." Patay na! Ang tanga tanga, Mia!
"Ahhh. I thought...ikaw yon." Napayuko nalang ako sa kahihiyan.
"Are you jealous?" Nakangisi pa ang mokong! Sinasabi ko na nga ba!
"Of course not! Why do I?" Defensive ko sht lang!
"You're jealous. I can see it through your eyes. And I can feel it." Namumwisit ba siya? Kung oo, effective ah!
"Shut up, Zek!" Hinampas ko siya sa braso.
"Aray ha! Hindi ako bola para hampasin mo nalang ng ganon ha!" Natatawa niyang sabi, "Bakit kasi hindi mo pa ko sagutin? Ang tagal ko ng nanliligaw." Seryoso niyang wika.
"Maghintay ka lang. Sa 25 ng umaga bago sumikat ang araw. Magkita tayo dito. Malalaman mo ang sagot ko." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Desidido na talaga ako. Sasagutin ko na siya sa pasko. Gusto ko ng maramdaman kung paano maging boyfriend si Zek. Gusto ko siyang makasama forever. Kung may forever nga.
"Talagang pasko pa ha? Sige. Maghihintay ako." Pinisil pa niya ang ilong ko.
Hay Zek! Sana ikaw na talaga. Sana iba ka.
