Chapter 34

102 2 0
                                    

Matapos nang narinig ko ay hindi na ako mapakali.. Is this all my fault?









Nangako ako sa kanya na aalagaan ko siya, hindi ko siya iiwanan. Pero nasaan ako sa mga oras na kailangan niya ako? Sa mga oras na 'to. Iba ang nasa tabi niya..









"Tapos na yung operation niya kaninang 3pm. Hindi pa raw nagigising sabi ng Ate niya.. But she's okay now." Ani Jay.










Pinapunta ko kasi siya sa ospital kanina pero hindi siya nakapasok sa room ni Mia.









"Pagkatapos mong iwan, ngayon naman sobrang concern mo na." Sabi ng napailing na si Zak.







"Fine! This is all my fault! Wag niyo ng ipagdiinan." Napahilamos nalang ako sa mukha ko.







Umalis muna sila sa kwarto ko at naiwan si Aaron..








"Ano pa'ng ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.









"Gusto mo ba na malaman kung bakit kami magkasama nung araw na nakita mo kami?"









Hindi ako nagsalita. Matagal na niyang sinubukan na magpaliwanag pero hindi ko pinakinggan.









"Balak ko sanang magswimming non dahil init na init ako. Pagkapasok ko ng clubhouse nakita ko siya na nakababad ang paa sa tubig. Gugulatin ko sana siya pero narinig ko siyang humihikbi kaya nilapitan ko siya."










Damn it! That should be me!









Itinuloy niya lang ang pagkukwento niya kaya nakinig nalang din ako.










"Tinanong ko kung anong problema niya. Sabi niya, pamilya. Tsaka...ikaw. Kasama mo raw si Serina. Nasaktan siya pare, tapos kasabay pa nung away nila ng Mama niya. Nung araw na 'yon hindi ko nakita yung masungit na Mia. Nakita ko ay yung mahina, kawawa, at sobrang nasasaktan na Mia. Hirap na hirap, yung tipong wala na siyang malapitan. Dahil yung unang tao na akala niya ay matutulungan siya, iniwan na siya."










Napabuntong hininga nalang ako. Anong gagawin ko? Sinaktan ko na siya eh. Yung babaeng mahal na mahal ko, sinaktan ko na. Tapos na eh. Napaiyak ko na.. Ano pang pwede kong gawin sa kanya? Napakatanga ko!










"Yan kasi ang hirap sayo. Hindi mo pinapakinggan ang explanation ng ibang tao. Tapos kung kailan huli na ang lahat tsaka ka magsisisi. Nasaktan mo na yung tao tsaka no palang marerealize yung maling nagawa mo."








Iniwan niya akong tulala dito sa kwarto ko..napaisip ako sa sinabi niya. Ni minsan hindi ko pinakinggan yung side niya.










*






Sa tagal ng paghihintay ko dito sa labas ng ospital, tapod agad na bubungad sa akin ay yung sila ng ex niya ang magkasama..









Si Kiel yung nakaalalay sa kanya para makapaglakad na mabuti. Si Kiel yung kasama niya nung panahong nasaktan ko siya, sa panahong kailangan niya ko, wala ako sa tabi niya.









Ang sakit palang makita na may kasamang iba yung taong mahal mo, ang sakit na iba na yung nagpapangiti sa kanya.









Dapat ako 'yon eh. Dapat ako yung nasa tabi niya ngayon. Ang sakit na wala ka nalang magawa kundi ang titigan siya sa malayo at ganoon pa ang kondisyon niya.










Hindi ko na kinaya, sobra na akong nasasaktan dahil na rin sa sarili kong katangahan.











Umalis na rin ako at umuwi nalang.. Buong araw ay wala akong ginawa kundi ang sisihin ko ang sarili ko. Sinayang ko eh! Yun na yon oh. Nasa akin na, pinakawalan ko pa.









* tok tok







"Come in!" Inayos ko ang sarili ko at umupo sa kama.








"Hijo, hindi ka pa raw kumakain ng dinner?" Si Mommy pala ang pumasok.







"Medyo busog pa po ako." Tipid kong sagot. Ngarag pa naman ang boses ko.









"I know you're not okay. What's wrong? Tell me, son. I'm your mother." Mayari niyang sabihin iyon ay napayakap nalang ako sa kanya.










"Mom..I hate myself for being a jerk." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.









Hindi siya nagsalita kaya itinuloy ko nalang ang pagsasalita, "I do love her, Mom. I always do. Every second, every minute, every hour..everyday.. Hindi ako tumigil na mahalin siya.. Pero sinaktan ko lang siya, Mom. Ang tanga tanga ko!"









Iniharap niya ako sa kanya at pinunasan ang luha ko, "Sshhh. Don't say it, anak. Natural ang 'yan sa mga taong nagmamahal. Yun nga lang, sinaktan mo eh."











"I'm such an idiot." Wika ko.










"Always remember this, hijo. Ang mga babae ay minamahal at pinapasaya. Hindi sinasaktan at pinaiiyak. You've grown up already, Zek. You know what to do." He kissed my head and go downstairs.








Yes, I've grown up. I want her back. I'll win her heart back.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon