Chapter 5

22 3 0
                                    

Ang ganda naman ng gising ko. Sana palagi nalang ganito.

"Good morning Mommy!" Bati ko sa Lola ko pagkalabas ko ng kwarto.

"Good morning. Mukhang maganda ang gising ng apo ko ah?" Hinalikan ko pa siya sa pisngi bago ako pumunta ng banyo.

"Oo naman po. Kasing ganda ko!" Pahabol ko pa at naghilamos na ako ng mukha.

Pagkayari kong maghilamos ay kumain na ako para makagayak na. 7:30 am na rin pala. 8:30 ay kailangan paalis na ko ng bahay.

"Anong oras ka uuwi?" Tanong ng Lola ko.

"4:00 po ang uwian ko." Sagot ko.

"Ah sige." Yung Lola ko palagi nalang tinatanong kung anong oras ang uwi ko.

Matapos kong kumain ay gumayak na ako para makapasok na.

"Hi Mia." Bati sa akin ng iba kong kaklase habang naglalakad papasok ng school.

"Hello." Sabi ko naman. Nasimulan kasi ng maganda ang gising, sana walang sumira sa araw ko.

"Sino yung lalaki kagabi?" Muntik na kong mapatalon nang may biglang nagsalita sa tabi ko.

Si Christian pala.

"Wala." Matipid kong sagot sa kanya. Bakit ba kapag nakikita ko 'tong lalaki na 'to nababadtrip ako?

"Wala? Sino nga?" Pangungulit niya.

"Wala kang pakialam. Pwede ba lumayo layo ka sa akin. Naiirita ko kapag nakikita kita!" Pagsusungit ko.

"Pwes ako hindi." Ano daw?

"Ano ba kasing gusto mo ha?!" Singhal ko sa kanya.

"Ikaw." What the heck!

"Ako? Sorry hindi ako bagay o laruan na basta basta nalang nakukuha. At tsaka, hindi kita type. May iba akong gusto kaya kung pwede lubayan mo na ko!" Sabi ko at binilisan nalang ang paglalakad.

"Busted ka pala pare!" Narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan niya.

Sorry siya, pero wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. Walang wala. As in!

"Mia! Buti at nandito ka na." Salubong sa akin ni Cathy at Elly.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Kasi.. Si ano... si Mae. Hinihintay ka sa room, sa pagkakarinig namin sa usapan nila, umamin daw sayo si Christian na gusto ka niya." Paliwanag ni Elly. Ang bilis naman ng balita.

"Oh tapos?" Simple kong sagot.

"E, nagalit yata sayo." Ani Cathy. Dumiretso na kaagad ako sa room.

Sumalubong sa akin ang matalim na tingin ni Mae.

"Akala mo mahinhin yun pala malandi rin. Nasa loob ang kulo!" Singhal niya sa akin.

"Wala akong alam sa sinasabi mo, Mae." Sabi ko at umupo na sa upuan ko.

"Wag ka ng magmaang maangan pa, Mia. Kunwari ka pa na hindi mo gusto si Christian tapos malalaman ko na umamin ka sa kanya? How pathetic!" Sino naman kaya ang nagbalita sa kanya? Sa pagkakaalam ko, sinigawan ko pa si Christian para layuan ako.

Hindi ko nalang siya pinansin. Dahil sabi ng Lola ko, walang maidudulot na maganda ang pagpatol. Magmumukha pa akong walang pinag aralan.

Pero nagulat ako ng bigla niyang hilahin ang buhok ko kaya napatayo ako.

"Ano ba, Mae! Nasasaktan ako!" Hinila pa niya ang buhok ko. Narinig ko naman ang pagpigil nila Cathy at Elly pero dahil sa maraming alipores si Mae ay pinigilan nila si Cathy at Elly.

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon