Parang ayoko ng matapos ang oras ng shift ng trabaho ko. Ayoko siyang makausap, hindi pa ako handa.. Fresh pa rin kasi at hindi ganon kadali yon.
"Mia, pwede ka ng mag out, tapos naman na yung shift mo at isa pa, kanina pa naghihintay sayo yun." Inginuso ni boss sa labas si Zek.
Hinintay niya talaga ko? Bakit pa? Diba sinukuan niya na ko?
Wala na rin akong nagawa kundi ang mag-out. Inayos ko ang sarili ko at dire-diretso ng lumabas at sinubukang ignorahin lang siya.
"Mia sandali..." Napabuntong hininga ako nang harapin ko siya.
"Ano bang pag uusapan natin, Zek? Wala naman na dapat tayong pag usapan pa." Kalma lang, Mia.. Kalma..
"Marami, Mia. Pero wag dito."
*
Dinala niya ako sa ilog kung saan madalas kami... noon.
"Maupo ka muna." Aniya. At mukhang pinaghandaan niya talaga 'tong araw na 'to ha?
Pero hindi niya ako madadaan sa ganito niya, "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Wala akong balak magtagal."
Nakita kong humugot siya ng malalim na hininga bago magsalita, "Sorry.. Sorry sa lahat, Mia. Sa mga explanation mo na hindi ko pinakinggan. Alam kong hindi sapat ang sorry ko na 'to pero sana bigyan mo ko ng second chance."
Napailing ako at natawa, "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay naitatama ang lahat sa second chance na 'yon, Zek. At isa pa, diba pinagtabuyan mo na ko?"
Pinilit kong patatagin ang loob ko.. Nagbago na ako. Hindi na ako ang dating Mia. Sinira niya na 'yon.
"Mia, I'm willing to prove it! Just give me a chance, please. A last chance, Mia." Nakita kong may namumuong luha sa kanyang mga mata..
No. Hindi dapat ako magpadala sa mga luha niya. Minsan niya na akong tinaboy at sinaktan at ayoko ng mangyari ulit 'yon.
"Hindi lahat ng tao, deserve ang chance na sinasabi mo." Matigas kong pagsamo.
I'm a strong woman. Hindi na ako yung dati, sabi ko nga. Nasaktan at nalugmok na ko, nayurakan na yung pagkatao ko.. Hindi na ako makakapayag na gawin nila ulit sa akin 'yon.
"Wala na ba talaga? Paano tayo?" Napailing ako..
"Tayo? Okay ka lang, Zek? Walang tayo. Ni minsan hindi nagkaroon ng tayo!" Napangisi ako. Hindi ako iiyak. Why should I?
"Akala ko ba gusto mo ko? Akala ko mahal mo ko? Mia diba may mga pangarap tayong magkasama? Paano na 'yon?" And now he's crying.
"I never said that I love you, Zek. Ikaw ang nagsabi non, pero anong ginawa mo? Pinagsalitaan mo ko ng masasakit na salita at pinagtabuyan tapos ngayon ikaw ang lalapit? And now you're asking me to give you another chance? Yes, we have plans together. Pero dati yon, hindi na ngayon. I have my own plans and dreams, at wala ka na doon." Matigas kong sabi.
"Mia I love you! Can't you just love me back? Please, Mia. Kahit konti lang.. Hanggang sa mapatawad mo ako. Hanggang sa matutunan mo ulit akong mahalin." Halos lumuhod na siya sa harap ko.. Pero ako, heto't nagmamatigas pa rin.
"I'm sorry, Zek. We're done. Lumayo ka na, wag mo na kong patayin ulit. I hope this will be the last na magkikita tayo.. Umalis ka na sa buhay ko. Goodbye."
Kasabay ng pagtalikod ko ang pagtulo ng mga munting luha na kanina pa nagbabadyang tumulo.
I love you, Zek. So much.. Sana malaman mo kung anong nagawa mo at gaano kasakit ang pinaranas mo sa akin.. Sana maramdaman mo yung sakit na napagdaanan ko.
Actually, our LOVE NEVER FAILS. We, PEOPLE FAIL.