Chapter 23

23 3 0
                                    

A/N: Medyo short update ulit, pasensya na po ulit. Pasukan na kasi namin eh. Happy reading. Vomments please. Thank youuuu.

--


"Mia paki-assist yung mga customer."


"Mia paki-serve sa table 5."


"Mia patulong naman dito oh."


Nak ng! Hindi ko na alam ang uunahin ko! Utos dito utos doon. Hindi ko alam kung sinong susundin ko!

"What's going on?" Tanong ni Boss nang makita kaming nagkakagulo. Ang dami kasing tao ngayon, hay! May mga nag-tour na taga probinsya, dito nag stop over sa mall. Ayan tuloy ang daming estudyante.


"Wala naman po. Marami lang talagang tao." Ani Marco. Pamaya maya ay nakita kong tumutulong na si Boss sa amin.


Kulang na talaga sa tao kapag ganitong oras. Puro kasi kami working student. Yung mga regular na employee ay kaninang umaga ang shift.


"Miss Hera. Here's your machiato. Enjoy your drink!"


7:30pm


"Good job! Magligpit na kayo then pumunta kayong lahat sa office at ibibigay ko na ang sweldo niyo. Don't worry, may bonus kayo." Pumalakpak ang tenga naming lahat sa narinig namin.

Niligpit na namin ang mga gamit tsaka nagtungo sa opisina.

"Oh. Sapat na ba 'yang 1000? Pagod naman kayo ngayong araw, okay na ba ito?" 1000? Okay na okay!


"Thank you, boss."


Lumabas na kami ng opisina at nag kanya kanyang uwi na. Ito na yata ang pinakanakakapagod na araw! Hay!

Apat buwan na ang nakalipas. Malapit na ang pasko. Magse-sembreak na nga kami eh. And guess what? Nanliligaw pa rin si Zek. Ayoko pang sagutin. Siguro sa pasko na. Oo, tama. Sa pasko na.

(A/N: Pagpasensyahan niyo na kung ginawa ko ng pasko. Haha! Kathang isip ko lamang po ito. Basta.. Ihanda niyo na ang puso niyo na masaktan. Sorryyyyyy. Lovelove. :* )


"Mia?" Tumindig ang balahibo ko. Patay!


"Zek? Anong ginagawa mo dito?" Ayan kasi! Pa-emote emote ka pa! Naka uniform pa man din ako ng pangtrabaho!

"Ako dapat ang nagtatanong niyan. Anong ginagawa mo sa Kofee First? Tsaka bakit ganyan ang suot mo?" Tanong niya ng makalapit sa akin.

"Ahmm.. wala. Tara ng umuwi." Tumalikod ako at naglakad na.

"Nagtatrabaho ka ba kaya palagi ka'ng gabi ng umuuwi sa halip na 12:00 noon lang? Sagutin mo ko, Mia." Sinabayan niya ako sa paglalakad pero hindi niya ako tinitingnan.

"Ahm... O-o. Kailangan eh. Kailangan kong kumayod para may pera ako. Hindi ito alam ni Mama. Sana wag makarating." Napayuko ako.


Sa apat buwan na iyon, Zek never fails. Hindi niya ako binibigo palagi. Kapag kailangan ko siya andyan siya. Ipinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Nakarating na kami sa labas ng mall nang magsalita siya, "Bakit hindi mo sinabi? Tutulungan naman kita eh. Kung pera lang walang problema. Maliit na bagay lang iyon!" Napatingin ako ng diretso sa kanya.


"Kung sayo, maliit na bagay lang ang pera. Sa akin, malaking bagay na yon. Mayaman kasi kayo kaya hindi mo problema ang pera! Ikumpara mo naman ang pamilya ko sa pamilya mo!" Ang sakit kasi eh.. Ganyan na ba talaga ang nagagawa ng pera ngayon?

"Fvck Mia! 'Wag mong idadamay ang pamilya natin dito! Ang kitid naman ng utak!" Napahilamos siya sa mukha niya. "Iwan mo 'yang trabaho mo at akong bahala!" And it shoot me.

"Hindi mo ko responsobilidad, Zek. Hindi naman kita kaano-ano! Kaya kong solusyunan ang sarili kong problema at hindi ko kailangan ng tulong mo!" Bulyaw ko. Bahagyang kumirot ang puso ko.


"Oo nga pala, hindi pa nga pala tayo. Tangina nakalimutan ko eh. Mahal na mahal na kasi kita eh, hindi mo nga pala ako mahal. Sorry ah?" Tinalikuran niya ako at sumakay na siya sa kotse tsaka pinaharurot ng takbo palayo sa akin.


Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko, "Mahal na rin kita Zek eh. Mahal na mahal."


*


Naglalakad na ako pauwi sa amin nang madaan ako sa bahay nila Zek. Bukas ang ilaw ng kwarto niya at kitang kita nang dalawa kong mata ang anino ng dalawang tao na magkayakap. Muling bumuhos ang luha ko. Hinang hina ang tuhod ko nang makita kong hinalikan siya nung babae sa labi. Imposibleng si Joy, imposible rin na si Tita. Sino siya?


Si Serina?

Tumakbo na ako pauwi sa amin. Ang sakit sakit eh! Sobrang sakit. Akala ko hindi na mauulit ang naramdaman ko noon kay Kiel. Pero mas masakit pala 'to.

"Oh bakit ka umiiyak?" Tanong ni Ate pagkapasok ko ng kwarto.

Inakap ko siya kaagad, "Ang sakit pala, Ate. Ang sakit sakit na makita yung taong mahal mo na may kasamang iba."

"Diba malakas ka? Diba ikaw ang nagsabi sa akin na dapat maging matatag ka. Ssshhhh. Tahan na." Hinagod niya pababa ang likod ko.


"Hindi niya alam na mahal ko siya." Tang ina hindi ako 'to. Diba malakas ako? Hindi dapat ako ganito!


" Sabihin mo at iyan ang makakapag pagaan ng loob mo. Aminin mo na mahal mo siya."


Aaminin ko? Paano? Parang ayoko ngang makita siya eh. Nasasaktan ako eh. Aware kaya siya doon? Aware kaya siya sa nararamdaman ko?

Love Never FailsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon