CHAPTER 1

448 50 5
                                    

***

Inis akong bumalik sa room ng gutom, hindi man lang ako nakabili ng makakain ko, dapat hindi na lang ako lumabas eh, ede sana hindi ko pa nakita 'yung antipatiko na yun, nagawa ko pa sana yung mga dapat kong gawin, pagod na nga gutom pa, nakakainis talaga.

Napadukdok na lang ako sa armchair ko dahil sa inis, dapat pala bumili na lang ako ng biscuits o nagdala ng makakain galing sa condo.

Inis kong binuklat yung notebook ko at nag review, wala naman akong kaibigan dito sa room, at ayaw ko ng kaibigan, si Pria lang ang makulit at lapit ng lapit sa'kin, sinabi ko na sa kaniya na hindi kaibigan ang turing ko sa kaniya at parang wala lang siya para sa'kin pero sabi niya wala daw siyang paki kaya hinayaan ko na lang.

Lagi ko pa nga 'yong inaaway eh pero wala lang sa kaniya at sanay na siya sa ganon, since first year kase magkaklase kami at ayaw niyang mahiwalay sa akin, her parents are rich, kaya kahit anong gusto niya ay nabibigay sa kaniya, ganon din naman ako, binibigay kong anong gusto ko para hindi ako magalit sa kanila at kalimutan na lang lahat ng ginawa nila sa'kin.

Dalawa kaming magkapatid, pero hindi ko ramdam na kapatid ko siya, I hate him and I really do, forever, hindi ko siya ituturing na kapatid, he took everything from me, kahit alam niyang sa'kin.

Natigil ako sa pag-iisip ng pumasok si Pria sa room na may dalang pagkain, buti pa siya nakabili.

"Ba't mo naman ako iniwan?" Nakanguso niyang tanong bago umupo sa upuan katabi ko.

"I hate the smell there, subrang baho at hindi ko matiis, iniwan mo kaya ako,"

"Tss," inabot niya sa akin ang burger, yogurt, sandwich at may kasama pang dalawang biscuits.

"Akin 'to?" Nakangiti kong tanong.

"Hindi, akin siguro, sa akin ko inaabot eh," inirapan niya pa ako, mabilis ko yung kinuha at binuksan, nagugutom na talaga ako.

"Thank you," kinagat ko na ang sandwich at uminom ng yogurt.

"Wag ka sa akin mag thank you, may nag abot lang niyan sa'kin kanina, wala ka daw kase nakabili sa cafeteria dahil maraming tao," taka ko siyang tiningnan habang ngumunguya pa. "Hindi ko siya kilala kaya 'wag kana mag tanong," inirapan niya pa ako bago kinain ang pagkain niya.

Kung sino ka man thank you. You save me from death.

Natapos ang exam na masaya ako, confident kase ako na tama ang mga isinagot ko doon, nag review din naman ako, sana lang talaga, manifesting huhu.

"What if mali ang mga sagot ko don? Ede hindi na ako makaka-graduate? Hindi na kita makakasama? Paano na ako nito? Chasty, sabihin mo?" Naiiyak na sunod-sunod na tanong ni Pria.

"Nag review ka ba?" Inis kong tanong.

"Oo pero hindi ako confident na tama yun, paano na 'to?"

"Nag review ka naman pala eh, magtiwala ka sa sagot mo," I tap her head and wink at her. Napahilamos siya ng mukha niya.

"Kinakabahan ako baka hindi na kita makasama sa second sem," may luha na sa mga mata niya.

"Sira ka, ede maganda wala ng makulit na sunod ng sunod sa akin," tinawanan ko pa siya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"I hate you," tinawanan ko siya bago inayos ang gamit ko, handa ng umalis.

"Celebrate tayo?" Mabilis siyang tumayo at kinuha ang bag, nauna na sa aking lumabas ng room.

"Saan tayo?" Tinawanan ko siya bago hinila palabas ng school.

"Sa Mini bar sa taas ng condo ko," napatalon naman siya sa tuwa.

When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon