***
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa baba, nakatulog pala ako dahil sa pagod ko kanina kay Vin, tapos napatingin pa ako sa plates ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos, Friday na naman bukas at deadline na naman nakakainis.Lumabas ako ng kuwarto ko para malaman kung sino yung maingay sa baba, pagbaba ko ng hagdan ay doon na nalinaw sa akin ang lahat, nakita ko doon si Cy, Anna, Tita, at Tito.
Anong ginagawa dito ni Cy?
Tuluyan na akong bumaba at nakita si Tita na nagluluto sa kusina, si Tito naman ay nagbabasa ng news paper habang si Cy at Anna naman ay naglalaro ng video games sa tv.
"Kuya Cy, magpatalo kana please?" Maka-awa ni Anna sa kapatid ko.
"Pagnatalo ba ako bibigyan mo ako ng ice cream?" Natatawang tanong dito ni Cy. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa at lumapit kay Tito.
"D-Daddy?" Hanggang ngayon nahihiya pa rin akong tawagin silang Mommy at Daddy. Feeling ko 'di nila deserve ang anak na kagaya ko.
"Oh Chasty, gising kana pala?" Lumapit ako sa kaniya at nag-mano, ganoon din naman ang ginawa ko kay Tita.
"Pasensiya kana at pinakialaman ko itong kusina niyo, dito na muna kami hangga't hindi pa magaling si Vin." Nakangiti nitong sabi sa akin.
"Oo nga pala, hindi ba may Master bedroom kayo? Bakit magkahiwalay kayo ng kuwarto?" Tanong ni Tito at nakakunot pa ang noo.
Patay. Lupa eat me now.
"Oo nga ihja? Napansin ko din yun kanina," dagdag naman ni Tita.
"A-Ah... M-Magka-away po kase kami, h-hindi pa po kami ayos," palusot ko. Sana naman lumusot.
"Hay kayo talaga, hindi pa nga kyo tumatagal ng isang taon nag-aaway na kaagad kayo," sabi nit Tito at bumalik sa pagbabasa.
"Chasty, hali ka rito," lumapit ako kay Tita at ibinigay sa akin ang apron, sinuot ko naman yun at kinuha yung sandok na inabot niya sa akin. "Alam mo bang ako ang nagturo kay Vin kung paano magluto ng masarap lalo na kapag hinahain niya sa kaniyang minamahal?" Taka akong napatingin kay Tita.
"Po?"
"Bakit? Hindi ba masarap ang luto ni Vin?" Kunot noo niyang tanong.
"M-Masarap po, katunayan nga po ay nahihiya na ako sa kaniya dahil ang pangit ko magluto, one time po nagluto ako ng adobo, hindi ko napansin na subrang alat pala noon pero kinain niya pa rin." Mahaba kong paliwanag na tinawanan niya naman, napasimangot tuloy ako habang pinapanuod siyang haluin yung tinola na niluluto niya.
"Alam mo Chasty, kapag nagluluto ka isipin mo na importante sa'yo ang paglulutuan at kakain ng niluto mo, kase kung gaano mo sila kamahal siyempre masarap ang ihahain mo sa kanila," sabi niya at tinikman ang niluluto kung ayos na ba ang lasa, pinatikim niya rin yun sa akin at totoo ngang namana ni Vin ang pagluluto sa Nanay niya dahil subrang sarap noon.
"Galit po siguro yun ako sa kaniya kaya masama ang lasa," natawa naman siya at pati si Tito na nagbabasa ay natawa rin sa sinabi ko.
"Ano ba ang madalas niyong pag-awayan, parang lagi na lang kayong magka-away eh?" Tanong ni Tito at tumingin sa akin ng diretso.
BINABASA MO ANG
When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓
Teen Fiction[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron ka kapag nalaman mong hindi naman talaga siya ang para sa'yo? Sa bawat pagpatak ng ulan, iba't ibang...