***
"Ang exam Chasty, kinakabahan ako," nanlalamig na humawak sa kamay ko si Pria, natawa lang ako sa reaction niya dahil ngayon ang labas ng result ng exam namin.
"Kapag hindi talaga kita magiging kaklase sa second sem, magce-celebrate ako haha." Hinampas niya naman ako sa balikat kaya bahagya akong napaatras pero tumatawa pa din ako.
Kinakabahan kase talaga siya, ako naman confident na confident na. Kapag hindi kase nakapasa ngayong first sem hindi na sila pwedeng tumuloy ng second sem, babalikan na lang nila 'yon ng next school year, kinakabahan na din naman ako pero nakukuha ko pang asarin si Pria.
"Ayan!!" Sigaw naming dalawa, nandito kami sa condo ko dahil sabay daw kaming titingin ng grade naming pareho.
"Kain ka muna ng chips," sinubuan ko siya ng isa at kinain niya naman 'yon kaya natawa ako.
Hindi ko pa sinasabi sa kaniya na sa iisang bahay na kami titira ni Vin kaya paniguradong magugulat 'to.
"Ayaw kong tingnan," tinakpan niya ang mukha niya at ako naman ang naghanap ng name niya.
"Pria, 'di ko makita," sabi ko at malungkot na tumingin sa kaniya, gulat naman siya kaya siya na mismo ang naghanap.
"Ayon, Chas, nakapasa ako!" Sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit. "Wait, hanapin ko pangalan mo," masaya niyang sabi. Nakatingin lang ako sa kaniya at bahagyang napangiti. "Di ko makita ang pangalan mo," kunot noo niyang sabi at scroll pa ng scroll.
"Bakit kase sa baba ka naghahanap? Doon sa taas," utos ko na agad niya namang sinunod.
"Oh my gosh, Chasty!!!! You're the top 1 huhunesss, kasunod mo si Vin Sanchez, sumunod si- oy si Khad Martinez, oh my god!!" Napatalon pa siya at niyakap ako ng mahigpit. Kasama pala si Khad sa top 5, and ang worse bakit top 2 si Vin, matalino din pala siya ha.
"Congratulations sa atin," nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Celebrate tayo?" Tanong niya, tumango naman ako at mabilis kaming lumabas ng condo, sumakay kami kaagad sa elevator at gusto ko na lang bumalik ng makita doon si Khad at Cris. Nakita ko na naman yung piso sa tenga niya.
"Oy, nandito pala kayo? Saan kayo pupunta?" Tanong ni Cris.
"Sa taas, magce-celebrate," sagot naman ni Pria at tuluyan ng pumasok sa elevator, wala naman akong choice kaya sumunod na lang din ako sa kaniya.
"Sakto, doon din punta namin," sagot naman ni Cris.
"Walang may paki, 'di ka man lang nagtext sa akin na nandito ka pala ede sana sabay-sabay nating tiningnan ang result 'di ba?" Hinampas pa siya ni Pria.
"Malay ko bang dito ka din, hindi ka rin naman nagtext," sagot naman ng isa.
Nang bumukas ang pinto ay ako na ang unang lumabas, kasunod ko si Khad at walang imosyon ang mukha, magaling na ba siya? Bakit iinom siya kaagad?
Nag-aalala tuloy ako sa kaniya, pero hindi ko pinapahalata dahil baka kung anong isipin niya.
Nang makapasok kami sa loob ng mini bar ay isang couch lang inupuan naming apat. Napatingin ako kay Khad at ganoon pa rin, wala pa ring imosyon ang mukha niya.
"Here," inilapag ni Cris yung alak sa harapan namin, wala pa masiyadong tao ngayon dahil hindi naman gabi, umaga kami uminom at magsasaya.
"Congratulations pala, Chasty, sana all top one," natatawang sabi ni Cris at uminom ng alak.
"Thank you," nakangiti kong sagot sa kaniya. Tumingin naman ako kay Khad. "Congratulations too," nakangiti kong bati sa kaniya, ngumiti naman siya sa akin.
BINABASA MO ANG
When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓
Teen Fiction[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron ka kapag nalaman mong hindi naman talaga siya ang para sa'yo? Sa bawat pagpatak ng ulan, iba't ibang...