***
"Chasty, wala pa akong damit na susuotin para sa ball," naiiyak na sabi ni Pria.
"Ede bumili ka, isang order mo lang nandiyan na yan eh," sabi ko sa kaniya.
"Eh, hindi ko gusto yung mga gown sa online, at isa pa gusto ko pair tayo ng dress kahit ibang kulay na sa akin tapos dapat pair din yung sandals natin, para kunwari twin tayo hehe," gusto ko siyang sambunotan dahil sa mga sinasabi niya.
"Baliw kana ba?" Tanong ko sa kaniya at hinawakan ko siya sa noo dahil baka may sakit.
"Sira, wala akong sakit, gusto ko lang na pareho tayo ng suot sa grand ball, kase naman matagal ko ng pinangarap na magkaroon ng kapatid eh," sagot niya naman sa akin. Wala nga pala siyang kapatid, pero lahat naman ng gusto niya ay nakukuha niya, isang hiling niya lang sa Daddy niya binibigay kaagad.
"Oo na," inis kong sagot sa kaniya. Para naman siyang bata kung makatalon dahil sa tuwa. Hindi siya tumitigil ng kaka-'thank you' sa akin dahil sa sinagot ko sa kaniya, para siyang nanalo sa Lotto at grand prize ang nakuha niya.
"Ihatid mo'ko sa condo ko," utos ko sa kaniya.
Hindi ko kase nadala yung kotse ko, sa subrang pagmamadali at baka kung ano pang mangyari sa akin sa daan ay nag commute na lang ako kanina.
"Sumabay kana lang kaya kay Khad? Tutal pareho din naman kayo ng apartment eh," suggestion niya.
"Ayaw ko nga, baka kung ano pa isipin niya, hindi ko pa siya nakaka-usap," sagot ko naman.
"Ang arte mo, bahala ka sa buhay mo," sabi niya naman at naglakad na papunta sa kotse niya, bwisit.
Habang hinahabol ko siya ay nakita kong kausap niya na si Khad, tumango naman ang lalaki at napatingin sa gawi ko.
Ano na namang sinabi mong babae ka?
Mabilis namang umalis ang kotse ni Pria sa harapan namin, inis akong napapadiyak dahil sa kabwisitan kay Pria.
Tinitiis ko na nga lang ang ugali ni Vin dadagdagan niya pa talaga.
Nang tuluyan ng mawala sa paningin ko si Pria ay nakita ko naman na papalapit na si Khad sa akin, hindi pa ako ready maka-usap siya, hindi ko pa alam ipapaliwanag ko sa kaniya.
Hindi pa siya nakakalapit sa akin ay may kotse niyang huminto sa harapan ko. Taka ko yung tiningnan ng mabuksan ang bintana ng passenger seat.
"Good noon, Chasty, pwede ba kitang maka-usap?" Gulat akong napatingin kay Tito ng siya ang huminto sa harapan ko. Daddy ni Vin, ano kayang kailangan niya sa akin?
Wala akong choice kung hindi sumama sa kaniya, bahala na kung bastos para kay Khad, hindi ko pa talaga kayang harapin siya.
Nang makasakay ako sa kotse ay agad namang nagmaneho yung driver ni Tito, hindi ko alam kung saan pupunta kaya nagtanong na ako.
"Bakit po pala?" Tanong ko dito.
"Wala naman, gusto lang kase ni Anna na makasama ka, kaya susunduin natin siya, tutal wala ka na din namang pasok diba?" sagot naman niya.
"Wala na po, kailangan na po kase naming mag-prepared para sa ball bukas." Sagot ko naman sa kaniya, wala pa akong damit na susuotin huhunesss.
"Oh? Sino nga palang partner mo doon?" Tanong niya bigla.
"Kaibigan ko po," sagot ko naman.
"How about Vin? Bakit hindi kayo partner?" Takang tanong niya, partner niya po kase yung girlfriend niya.
"Bago ko pa po siya makilala, may partner na po kaming lahat," sagot ko, bakit ba kailangang laging magkasama kami?
Tumango naman siya sa akin at hindi na nagtanong, hinintay ko na lang na makarating ang kotse sa school ni Anna. Sana lang talaga mabait ang bata na yun at bakit ba gusto niya akong makasama?
BINABASA MO ANG
When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓
Teen Fiction[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron ka kapag nalaman mong hindi naman talaga siya ang para sa'yo? Sa bawat pagpatak ng ulan, iba't ibang...