CHAPTER 20

161 20 0
                                    

***

Hindi ko makagalaw ang paa ko sa kinatatayuan ko habang nakatitig at gulat na gulat ng makita ko si Cy na may hawak na cutter at handa niya ng sugatan ang kaniyang sarili, nabitawan ko rin yung hawak-hawak kong regalo para sa kaniya dahil sa takot.

Mabilis naman ang naging kilos ni Vin at nahawakan niya kaagad ang kamay ni Cy kung saan niya hawak ang cutter.

"Cy, what the fuck your doing!!?" Sigaw ni Vin, nakatulala lang si Cy at tamlay na tamlay.

Hindi siya nagsasalita at parang wala ng ganang mabuhay pa, tumulo ang luha sa mata ko habang awang-awa sa kapatid ko.

"C-Cy?" Tawag ko dito habang patuloy na bumubuhos ang luha ko sa mata. Mabilis naman siyang lumingon sa kinaroroonan ko. Bigla na lang siya umiyak at nagmamadaling tumakbo papunta sa akin.

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko ng niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak, dinama ko ang init ng yakap niya na matagal kong hindi naramdaman.

"Ate..." Iyak siya ng iyak at hindi inaalis ang yakap sa akin.

"Shhhh, n-nandito lang ang A-Ate." Putol-putol kong sagot sa kaniya.

"A-Ayaw ko na dito ate." Nagtataka ko siyang inilayo sa akin.

"B-Bakit?" Akala ko sasagot siya pero mabilis siyang umiling, ilang beses siyang umiling na ikinataka ko. Napatingin ako kay Vin na ngayon ay nagtataka rin. "Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?"

Iyak lang ang isinagot niya sa akin, ilang minuto pa rin siyang iyak ng iyak hanggang sa kumalma na siya.

Birthday na birthday niya umiiyak siya.

Habang sila ay nagkakasiyahan sa baba yung celebrant nandito sa taas at iyak ng iyak, gusto ko silang sigawan sa baba pero pinangungunahan pa rin ako ng pag-aalala kay Cy.

Wala bang alam si Mommy at Daddy kung ano na ang nangyayari sa anak nila?

"Bumaba kana doon, Cy." Utos ko, mugto na ang mata niya dahil sa kaiiyak.

"Ayaw ko doon," sagot niya naman sa akin.

"Magtataka na sila kung bakit wala ka pa rin sa party," dagdag naman ni Vin.

"Naghatid lang ako ng regalo ko sa'yo, happy birthday." Nakangiti kong bati sa kaniya bago i-abot ang regalo ko. Napangiti naman siya ng tanggapin niya yun.

Matapos noon ay lumabas na din kami ni Vin, nagpaalam na ako kay Cy at nangakong babalik na lang kapag nagkaroon ng pagkakataon, gusto ko pa sana siyang tanungin kaya lang hindi na pwede dahil lalong magagalit sa akin si Mommy at Daddy, baka si Cy pa ang paginitan nila kaya mabuti nang ako ang umiwas.

Sa likod na kami dumaan ni Vin bago dumiretso sa kotse niya, hanggang ngayon nag-aalala pa rin ako sa kaniya, ang dami kong tanong at pinigilan ko lang ang sarili ko kanina dahil baka nap-pressure si Cy.

"Ayos lang kaya si Cy?" Tanong ko kay Vin habang ang mata niya ay nakatuon lang sa daan.

"I think hindi, kailangan natin siyang bantayan," sagot niya naman, hindi na ako nagtanong ulit dahil mukhang malalim ang iniisip niya.

Baka may alam siya kung ano ang nangyayari kay Cy? Sila naman lagi ang magkasama at isa pa doctor ang course niya, kaya madali lang para sa kaniya kung ano ang kalagayan ng kapatid ko.

Nang maka-uwi kami sa bahay ay mabilis akong umakyat sa kuwarto, it's already eight in evening, pagod rin ang katawan ko kaya mabilis rin akong nakatulog.

KINABUKASAN ay maaga akong gumising, bumungad kaagad sa akin ang painting na binigay ni Cy, tiningnan ko yun bago may naisip na naman.

Matapos magawa ang morning routine ko ay pumunta na ako sa painting room ko dito sa bahay, pagpasok ko ay marami ng gamit doon pero walang painting dahil hindi pa naman ako nagsisimula, bumungad din sa akin yung canvas na malaki na pinapagawa sa akin ni Vin.

When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon