CHAPTER 38

174 16 0
                                    

***

Niyakap ko si Vin habang pinagmamasdan namin naming tabunan ng lupa ang kabaong ni Tito, hindi siya umiiyak pero alam kong masakit para sa kaniya ang nangyari, umuwi na si Anna at Tita dahil hindi na raw niya kaya ang nangyari, naiwan naman kami ni Vin, Cris, at Pria.

"Hindi ko akalain na mawawala ng ganito kaaga si Tito," sabi ni Cris habang nakatingin din sa kabaong ni Tito, niyakap naman siya ni Pria.

Hindi rin kami nagtagal doon dahil pansin kong bagsak na bagsak na si Vin, ako na ang nagdrive ng kotse niya pauwi sa kanila, pumunta naman si Mommy at Daddy sa libing pero umuwi din sila kaagad dahil may mahalaga pa daw silang tatapusin.

Hindi ko nga alam kung bakit hindi nila sinama si Cy eh, hindi ko na din natanong dahil nag-aalala ako kay Vin, habang nasa byahe kami ay tahimik lang siya hanggang sa bigla na lang siyang umiyak kaya wala akong nagawa kundi ang ihinto ang sasakyan.

"Shhh, tahan na," para akong nagpapatahan ng bata habang yakap-yakap si Vin. Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang yakap-yakap ko siya. Nang tumahan na siya ay siya na ang kusang humiwalay sa yakap ko.

"S-Sorry," mahina niyang sambit.

"It's okay, you can cry on me, ganon ka din naman nung nawala si Khad hindi ba? Nandiyan ka rin nang umiiyak ako at hindi mo ako iniwan." Sagot ko sa kaniya, muli kong binuhay ang manika at at nag-drive pero hindi pauwi ng bahay. Naalala ko naman yung sulat na iniwan sa akin ni Tito kaya kinuha ko yun sa bag ko at inabot sa kaniya.

"Bigay yan ng Daddy mo, ibigay ko daw sa'yo kapag nawala na siya." Malungkot kong sagot habang nagmamaneho. Tinanggap niya naman yun at itinago.

Siyempre kailangan naming magrelax para mawala ang lungkot na nararamdaman ng aming puso. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin dahil ibang daan na ang tinatahak ko.

"Where are we going?" Taka niyang tanong, tinawanan ko lang siya at hindi sinagot. Hindi na rin naman siya nagtanong.

Nang makarating kami sa pupuntahan ay ako na ang unang bumaba, inihagis ko sa kaniya ang susi ng kotse niya at mabilis naman niya yung nasalo, hanggang ngayon mugto pa rin ang mata niya kaiiyak.

"Anong ginagawa natin dito?" Taka niyang tanong habang nakatingin sa malaking poster ng building.

Ice Skating Park.

"Ano bang ginagawa kapag nasa Skating?" Irap kong tanong.

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at hinila na siya papasok sa loob. Pagpasok namin ay halos manigas ako sa lamig, sana pala nag jacket ako. Nang makarent kami ng skate shoes ay mabilis akong pumunta sa loob, nakita ko naman si Vin na takot pumunta sa gitna, nakakapit lang siya sa hawakan at ayaw umalis.

"Ayaw mong pumunta sa gitna?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

"How the hell did you learn this? It's so hard to balance myself," medyo galit niyang tanong sa akin.

"Nung bata pa ako mahilig kaming pumunta dito ng Yaya namin, tinatakas niya kami sa bahay dahil ayaw kaming palabasin nila Mommy, may napanuod kase ako na batang magaling mag skate kaya gusto ko ding matuto at hindi kalauan ay natuto nga ako," nakangiti kong sagot sa kaniya.

Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya para sabihing aalalayan ko siya, dahan-dahan niya naman yung tinanggap kaya mabilis ko siyang hinila papunta sa gitna.

"Shit, wait, be careful," paki-usap niya. Hawak ko ang dalawang kamay niya para timbang siya, nang makarating kami sa gitna ay binitawan ko siya, nakatayo lang siya at hindi gumagalaw dahil sa takot na matumba. Nagsimula akong magsayaw paikot sa kaniya habang tinatawanan siya. "Pag ako naka ganti sa'yo," banta niya, halata sa mukha niya ang takot at kaba kaya lalo na naman akong natawa.

When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon