CHAPTER 17

176 21 0
                                    

***

Bakit naman kase sa Thursday pa? Akala ko ba hanggang Friday? Kingina naman oh, hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh.

Nandito ako ngayon sa kotse ko at handa ng umuwi, kailangan kong matapos ang plates ko, may nasimulan na rin naman ako kaya lang hindi pa tapos.

Nagsimula na akong magdrive pauwi, dumaan muna ako sa mini store ni Khad bago ako tuluyang umakyat, para naman may kainin ako habang gumagawa ng plates ko.

Tumunog yung bell sa pintuan, tanda na may pumasok, dumiretso kaagad ako sa mga snacks and drinks, hindi alcohol ang bibilhin ko, kundi soft drinks, kumuha ako ng coke at mga chitchirya.

Matapos makapamili ay pumunta na ako sa counter para magbayad, akala ko si Khad ang nandoon dahil balak ko siyang inisin pero hindi siya ang nasa counter.

"Nasaan po si Khad?" Tanong ko kay Ate habang binibilang ang pinamili ko.

"Hindi daw po muna siya papasok," nakangiting sagot niya naman, tumango na lang ako at hinintay na mabalot ang binili ko.

Matapos magbayad ay dumiretso na ako sa condo ko, agad kong ininit ang noodles na binili ko bago umupo sa sofa at nagtype sa laptop.

Habang ginagawa ko ang plates ko ay may kumatok sa pinto, kaya inis akong tumayo, kung kailan busy ako saka naman mang-iistorbo.

Pagbukas ko ng pinto ay handa ko na sanang singhalan kung sino man yun, kaya lang nagulat ako dahil si Vin ang nasa pinto ko.

"Paano mo nalaman na dito ang condo ko?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Para sa'yo," tiningnan ko yung paper bag na hinarap niya sa akin.

"Ano yan?"

"Spaghetti, luto ni Mommy, dinala niya ito kanina sa bahay, sabi ko wala ka pa nakakauwi galing sa school, mabuti na lang at hindi siya nagtagal kung hindi baka nayari na tayong dalawa at mahuhuling nagpapanggap lang tayo," mahaba niyang paliwanag. Inis ko yung kinuha sa kamay niya. "At isa pa, pwede bang doon kana mag-stay sa bahay? Kase hindi sila nagi-inform kung kailan dadalaw." Dagdag niya.

"Yun lang ba? Marami pa akong gagawin eh," tumango naman siya, bago pa siya may sabihin ay sinarado ko na ang pinto.

Binuksan ko naman yung paper bag at nilagay sa plato ang spaghetti bago bumalik ulit sa paggawa ng plates. Sayang din naman kung hindi ko kakainin.

Wala pa akong planong bumalik doon pero naman siya dahil bigla-bigla na lang dadalaw ang kung sino man sa kanila ng walang pasabi. Siguro nga tama siya.

Twelve ba ng gabi hindi ko pa rin natatapos, 'di bale may isang araw pa naman ako, pumasok na ako sa kuwarto ko bago natulog.

KINABUKASAN ay maaga ang pasok ko, inutusan ko ang isa sa mga driver namin sa bahay na kunin ang ibang gamit ko sa condo ko at dalhin sa bahay namin ni Vin.

Para hindi na ako mahirapan mag-hakot, sinabi ko naman na yung mga nilabas ko lang na naka-karton dahil yun lang ang dadalhin ko doon, kapag tapos ng kasal at settle na kami ni Vin aalis din ako doon at babalik sa condo ko, kaya mas mabuting hindi ko na kunin lahat.

Pagpasok ko sa room ay may kaniya-kaniya na naman silang buhay, nag-aaway may nagmamaktol, naghahanap ng gamit, nagc-cellphone, sumisigaw, may iba naman na tahimik lang sa kanilang upuan.

Pag-upo ko sa upuan ko ay wala pa si Pria, malamang na stress na yun, paano kase inuuna pa ang landi kaysa sa mga importanteng bagay.

My life was so boring, kung anong ginagawa ko kahapon ganoon ang gagawin ko ngayon, paulit-ulit na lang wala ng katapusan.

When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon