***
"H-Huh? Bakit sa akin?" Taka kong tanong.
"Wala na akong mapag-iwanan eh," nahihiya niyang sagot.
"Wala ka bang kamag-anak or kahit pinsan? kapatid?"
"Wala."
Ano ba namang tao ito?
"Imposible," wika ko.
"Sa susunod ko na ipapaliwanag basta sinabi ko na sa'yo, paki-permahan na lang ito," nakangiti niyang iniharap sa akin ang isang dokomento.
"Para saan naman ito?"
"Patunay na ikaw talaga ang mamamahala ng lahat ng branches ng store ko hangga't wala ako," hindi ko alam pero kinakabahan ako.
"Lahat!?" Gulat kong tanong.
"Lahat." Gusto ko siyang batukan kaya tumayo ako at umikot sa kinauupuan niyang office chair. "Aray ko naman, sandali!"
"Ayaw ko, sa iba na lang," sabi ko ng makabalik sa upuan ko kanina.
Tumayo siya at lumapit sa akin at umupo din sa sofa sa kabilang side. Bakit ako pa? Pwede naman yung iba niyang kaibigan, si Cris pala?
"Hindi nga pwede, ikaw lang ang nakikita kong pwede kong pagkatiwalaan," sagot niya naman sa akin. "And besides I will give you your money once I come back." Nakangiti niya pang sagot.
"Yung sahod ko?" Taka kong tanong. Tumango naman siya. "Ilang linggo kang mawawala? At kailan?" Dagdag kong tanong. Pwede rin yun, dagdag allowance ko.
"Malalaman mo naman kung kailan, basta signed this paper," iniharap niya ulit sa akin ang papel at ang ballpen kaya napatingin ako doon.
"Sige, pero hindi ko maipapangako na wala akong kakainin diyan ha," natatawa kong sabi sa kaniya at tinawanan niya naman ako.
"Sure," sagot niya, oh? Pumayag siya? Nakangiti kong kinuha yung ballpen at pinirmahan yung tinuro niya na may pangalan ko. Naka-ready talaga ha?
"We're settled," tumayo siya humalik sa lamesa niya, inilagay niya yun sa isang folder.
"Pwede mo na akong ihatid sa bahay?" Tanong ko, mabilis naman siyang umiling, huh?
"Kain muna tayo," tumayo siya at naunang lumabas, sumunod naman ako sa kaniya at nakita ko siyang naghahalungkat na sa freezer.
"Chocolate ice cream please," nakangirit kong sabi sa kaniya, napatingin naman siya sa akin bago ngumiti.
"Ayaw mo ng Cookie's and cream?" Umiling ako bago lumapit sa kaniya.
Nang makakuha ako ay dumiretso ako sa counter doon, ako daw muna ang kahera dahil kakain yung babae dito kanina, tanghali na din kase, para rin masanay ako if kailanganin na, bakit kase aalis pa siya? Doon daw muna sa opisina niya si Khad may kailangan daw ayusin. Bilib din ako sa lalaking yun, napapagsabay niya ang pag-aaral at pagnenegosyo.
Ilang saglit pa at tapos ko na rin ang ice cream na kinakain ko ay may pumasok, dali-dali kong inayos ang sarili ko at napansing mga ka-batch mates ko sila.
BINABASA MO ANG
When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓
Teen Fiction[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron ka kapag nalaman mong hindi naman talaga siya ang para sa'yo? Sa bawat pagpatak ng ulan, iba't ibang...