***
"Chasty, ano ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo?" Tanong sa akin nit Tito, nandito kami ngayon sa veranda kung saan kita ang likuran ng bahay namin.
"Po?" Kinakabahan kong tanong, bakit naman niya biglang naitanong yun? Akala ko pa naman serious matter ang pag-uusapan namin ngayon.
"I mean, ano ang kaya mong gawin para sa mga minamahal mo?" Tanong niya ulit.
"P-Para po sa akin, lahat po kaya kong gawin kahit buhay ko pa ang kapalit isusugal ko para sa kanila."
Para kay Cy.
"Chasty, yung sakit ko malala na, pero hindi ko masabi sa kanila dahil natatakot ako, hindi ko kayang makita silang umiiyak, maaari ba akong humingi ng kaunting favor sa'yo?" Mabilis naman akong tumango.
"Kahit ano po," sagot ko, may inilabas siyang papel mula sa bulsa niya, inabot niya yun sa akin kaya kahit nagtataka ay kinuha ko.
"If ever man na mawala ako sa mundong ito, pwede mo bang iabot ito kay Vin?" Paki-usap niya, ang tagal ko bago nakasagot.
Nagpapaalam na ba siya? Parang hindi ko ata kayang mawala siya. Kase kahit papaano ay napapalapit na rin ang loob ko sa kaniya, para ko na siyang Ama at mas mabuti kaysa sa totoo kong Tatay.
"Makakarating po, pero pwede rin po bang humingi ako ng favor sa inyo?" Ngumiti naman siya sa akin bago tumango. "Pwede po bang mabuhay pa kayo ng matagal?" Natawa siya ng bahagya sa sinabi ko bago tumango.
"Sure, if kakayanin."
Mukha namang walang sakit si Tito pero alam kong marami siyang nararamdaman kagaya ng sinasabi niya at may rason naman dahil nag-doctor si Vin dahil sa Daddy niya.
Matapos ang usapan namin ay pumasok na ulit ako sa kuwarto ko para matulog, dahan-dahan akong humiga sa kama sa takot na magising si Vin. Hindi pa rin nakabukas ang aircon dahil nilalamig pa rin siya.
Hindi pa ba bumaba ang lagnat niya?
Dahil sa pag-aalala ay hindi ako nakatulog, pasado na ata twelve ng gabi ng gising pa rin ako at nakatingin sa kisame, hindi ko din kass pinatay yung ilaw kaya maliwanag. Umayos ako ng upo sa higaan at tiningnan si Vin na mahimbing na ang tulog, pawis na pawis ang noo niya at paniguradong basa na ang damit niya.
Kumuha ako ng bimpo sa cabinet niya at dahan-dahan yung ipinunas sa mukha niya, hindi na rin siya gaano kainit kaya napanatag ang loob ko. Naalala ko na kailangan niya pa lang uminom ng gamot kaya bahagya ko siyang ginising.
"Inumin mo muna ito," sabi ko ng dumilat siya ng mata.
Inalalayan ko siyang umupo sa kama at nang masubo niya na ang gamot ay hawak-hawak ko ang baso para painumin siya.
Ibinalik ko yung baso sa study table niya at inabot ang damit, alam niya na kung ano ang gagawin niya kaya tumalikod ako para makapagbihis siya ng damit. Dahan-dahan na akong lumingon sa kaniya para masigurong nakapagbihis na siya, sakto naman dahil katatapos niya lang din magbihis.
Umayos na ako ng higa sa kama at ganoon din siya, pero hindi pa rin ako nakakatulog dahil natatakot na naman ako baka paggising ko hindi lang kami magkayakap, baka mapatay ko na talaga siya kung may iba pang mangyayari.
"T-Thank you, Chasty." Napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya yun, naka straight ang tingin niya sa unahan kung nasaan ang flat screen na tv.
"For?" Tanong ko.
"F-For taking care of m-me," halos hirap pa siyang banggitin yung huling salita.
"Don't thank me, ginagawa ko lang ito kase ito rin yung ginawa mo sa akin nung nagkasakit ako," sagot ko naman. Hindi siya nakasagot pero ramdam kong nakatingin siya sa akin, hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon pang tingnan siya. "Night." Tumalikod na ako sa kaniya at ipinikit na ang mata.
BINABASA MO ANG
When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓
Teen Fiction[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron ka kapag nalaman mong hindi naman talaga siya ang para sa'yo? Sa bawat pagpatak ng ulan, iba't ibang...