CHAPTER 10

187 29 0
                                    

***

"Pahinga muna tayo," mabilis akong naglakad papunta sa mga gamit ko at umupo doon, kasunod ko si Khad at Pria na pawisan.

Paano ba naman nandito kami ngayon sa initan nagpa-practice, pwede namang doon ba lang ulit sa gymnasium ng school na ito.

"Ang init shuta," reklamo ni Pria.

"Gusto na ata nila tayong sunugin eh," sabi naman ni Cris.

"Sumasakit na nga ang ulo ko eh," sabi naman ni Khad kaya mabilis akong napatingin sa kaniya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya, ngintian niya naman ako bago tumango. "Nakukuha mo pang ngumiti, masama na nga ang pakiramdam mo," sabi ko sa kaniya at uminom ng tubig.

"Kaya ko pa naman," sagot niya sa akin.

Naglalandian na naman sa harapan ko si Cris at Pria, hindi ko alam kung may label na ba sila o wala eh, sabi pa naman ni Pria mas nakakakilig daw kapag walang label.

"Hoy kayong dalawa, pwede ba lumayo-layo kayo sa amin, nilalanggam na kami dito eh," sabi ko at tinawanan lang nila ako.

"Palibhasa bitter, maldita na nga pihikan pa sa lalaki, kaya walang nagkakagusto sa'yo eh," sabat naman ni Pria, binato ko siya ng bottle ng mineral water na iniinom ko kanina, natamaan naman siya pero hindi naman masakit dahil wala na yung laman.

"Manahimik ka nga," inis kong sabi sa kaniya.

Bumalik kami sa pagpa-practice dahil ilang araw na lang ball na namin. Ilang oras lang din yun at umuwi na ako.

Hindi pa ako nakakalayo kay Pria ng tawagin ako ni Khad, nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Bakit?" Sagot ko dito.

"Kain tayo sa labas, libre ko," yaya niya, siyempre libre na, hindi na ako tumanggi, sino ba namang tatanggi sa pagkain? Baliw na lang ang tatanggi doon.

Sinundan ko lang ang kotse niya bago ito huminto sa Jollibee, bigla namang kumulo ang tiyan ko ng maalala ang burger at spaghetti.

Minsan lang ako makapunta sa ganito, karaniwan kase kapag gusto kong kumain ng spaghetti ay umo-order lang ako online para hindi na ako mahirapan, nakakatamad kase lumabas.

Pagbaba ko ng kotse ay hinintay ako ni Khad, pinauna niya akong pumasok at ako na rin ang nag-order ng kakain ko.

"Anong sa'yo?" Tanong ko sa kaniya.

"Kung ano yung sa'yo," sagot niya naman.

"Lagi na lang ha, paano kapag lason ang binili, kakainin mo din?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

"Malamang hindi, sino ba namang tanga ang kakain ng lason," sagot niya naman, hinampas ko siya bago kami pumunta sa bakanteng upuan.

Saktong pag-upo namin ay bumuhos na naman ang ulan, bakit ba lagi kapag kumakain kami umuulan?

"May tanong ako Chasty,"

"Hay naku, kung puro pag-ibig na naman yan, tumigil kana," mabilis kong sagot sa kaniya.

"Grabe," natatawa niyang sabi sa akin.

"Inunahan lang kita," sagot ko naman. "Oo nga pala, bakit wala sa tenga mo yung piso ko?" Puna ko, kase lagi yung nasa tenga niya pero napansin kong wala yun ngayon.

"Nandito kase," sagot niya at kinuha ang cellphone niya at pinakita sa akin ang likod nito, nakita ko nga doon ang piso ko.

"Buti naman at narealize mo ring para kang tanga na may piso sa tenga," sabi ko.

When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon