CHAPTER 23

156 18 0
                                    

***

Hanggang ngayon tulala pa rin ako at hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nangyari yun kanina, ang laki ng epekto sa akin noon, sana pala siya na lang ang naunang gumising para hindi ko na nakita na magkayakap pala kami, kainis.

Irita akong tumayo ng lumabas na ang prof namin, wala na naman akong ganang makinig sa kanila, wala na kaming pasok ng hapon, ayaw ko ding umuwi ng bahay dahil hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa sarili ko, bakit kase hinayaan kong gawin niya yun sa akin?

Paglabas ko ng gate ay sakto dahil nakita ko si Khad na naglalakad papunta sa kotse niya.

"Khad!" Tawag ko dito, napalingon naman siya sa akin, ngumiti ako sa kaniya bago tumakbo papalapit sa kaniya.

"Bakit?" Takang tanong niya.

"Doon muna ako sa tindahan mo," sabi ko at tumakbo na papuntang kotse ko para hindi na siya magreklamo.

Nauna na akong magdrive papunta sa store niya, kita ko naman sa side mirror ko na nakasunod siya sa akin, kaya napangiti na lang ako. Wala ka ng magagawa.

Hindi ko pa kayang makita ang pagmumukha ng lalaki na yun, baka masampal ko pa siya ng wala sa oras eh. Nang makarating ako sa store niya ay mabilis akong nag-park, bumaba ako at pumasok doon.

"Magandang tanghali, Miss Cardinal," nakangiting bati sa akin nung babaeng kahera.

"Maganda tanghali din," balik bati ko. Hinintay ko na lang na pumasok sa Khad, dumiretso siya sa opisina niya kaya sumunod ako doon.

"Ano bang gagawin mo dito?" Tanong niya habang inaayos ang gamit niya sa lamesa.

"Tambay? Ako ulit kahera," nakangiti kong sagot sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin bago ngumisi.

"Talagang aagawin mo na naman kay Casandra ang trabaho niya ha?" Natatawa niyang sabi, inirapan ko siya bago nagsalita. Casandra pala name niya?

"Ayaw mo pa noon, maraming bumibili kapag ako ang kahera, sa ganda ko ba namang ito," tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at tumawa.

"Your right, pero bago yun may itatanong muna ako sa'yo," Simeryuso siya at naglakad palapit sa akin, tinaasan ko siya ng kilay at hinintay ang tanong niya, 'wag lang talaga siya magtanong ang walang kwenta baka mapatay ko siya ng wala sa oras. "Pwede ba kitang ligawan?"

Para akong nabingi sa tanong niya, ilang beses niya na ba 'yang tinanong? Ilang beses ko rin ba yung hindi sinagot? Ayaw ko talagang sumagot dahil ayaw kong magbitiw ng salita na hindi ko kayang panindigan.

"Paano kung ayaw ko?" Taas kilay kong tanong sa kaniya. "At saka ano bang nagustuhan mo sa akin?" Naglakad siya patalikod sa akin at humarap ulit.

"I... I don't know either, basta bigla na lang nangyari na nahuhulog na ako sa'yo, masama ka bang mahalin?" Nakatitig ang tingin niya sa mga mata ko, ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.

"K-Kung totoong mahal mo ako, sabihin mo nga sa akin kung ano yung nararamdaman mo para may clue naman ako kung anong feelings ng ma-in love," sabi ko sa kaniya, umupo ako doon sa couch at hinintay ang sagot niya.

"Ito feelings ko lang, siguro iba para sa ibang tao pero alam mo naman first time ko kang ding na in love, ang ganda mo kase tapos matalino kapa, wala ka ding alam sa love kase hindi kapa nagkakaroon ng boyfriend, tapos mabait kahit medyo maldita-"

"Stop! Ang panget ng pananaw mo sa love, hindi 'yan love, crush lang 'yan," sagot ko naman sa kaniya, napa-upo rin siya sa couch at seryusong tumingin sa akin.

When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon