***
Warning: Sensitive content that might trigger you. Child abuse ⚠️
"Chasty, inom tayo?" Tanong sa akin ni Pria. Katatapos lang ng exam namin for last sem, hindi ko talaga enexpect na makakarating kami dito, kaya lang kulang.
"Sure, sa taas?" Natatawa kong tanong.
"Dalawa lang tayo ha," sabi niya kaagad.
"Nag-away na naman ba kayo ni Cris?" Hindi siya sumagot kaya tinawanan ko siya.
Ito na ata ang pinakamasakit na taon na ayaw ko ng balikan, itong taon na ito ang iniyakan ko ng lubos kaya ayaw ko ng bumalik, gustuhin ko mang bumalik ay para kay Khad at kay Tito lang, yung panahon na buhay pa sila at masaya.
"Maybe later, pupunta muna ako sa mansion," sagot ko naman kay Pria, tumango naman siya bago sumakay ng kotse niya, dumiretso naman ako sa parking lot at nakita doon si Vin na nakasandal at naghihintay sa kotse niya.
"Hey," sabi niya kaagad ng makita ako, umayos siya ng tayo st ngumiti sa akin.
"Tara?" Pinagbuksan niya ako sa pinto bago ako pumasok, umikot naman siya at umupo sa driver seat. "Ihatid mo muna ako sa mansion then you can drink with Cris na, pakidamayan na din siya sa problema niya haha, nag-away ata sila ni Pria," natatawa kong sabi kay Vin, natawa din naman siya bago tumango.
"Maybe sabay na tayo, kailangan nilang magkasundo, gusto ko rin makita si Mommy at Daddy pati na rin si Cy." Sagot niya naman. First time ko atang narinig sa kaniya na tawagin niyang Mommy at Daddy ang parents ko.
Tumango na lang ako, tahimik kami sa byahe hanggang sa makarating kami sa mansion, pagpasok ko sa gate ay nanibago ako dahil kung dati isa lang ang guard sa gate ngayon naman ay anim ata sila. Bakit ang dami? Pinagbuksan naman nila kami ng gate ng makita nila ako. Pag-park ni Vin sa garahe ay nagulat ako sa nagkalat na mga body guard sa bahay, naka itim sila at straight ang mga tayo may mga shades pa. Anong nangyayari?
"What's happening?" Tanong sa akin ni Vin.
"I don't know either," kinabahan naman ako kaagad dahil baka kung ano na naman ang nangyari kay Cy, kaya walang ano-ano akong pumasok sa bahay para makita si Cy, mabilis naman akong sinundan ni Vin. "Cy?" Tawag ko kaagad, may sumalubong naman sa aking maid and hindi ko siya kilala at hindi rin ako familiar sa kaniya.
"Good evening, Miss Chasty, nasa kuwarto niya po si Cy, nagpapahinga," taka naman akong tumingin sa kaniya.
"Bago ka pa dito?" Tanong ni Vin, maging siya ay hindi familiar sa babae. May katandaan na ito at puti na rin ang buhok.
"Yes Sir, ako po si Silvia," pakilala niya at malawak na ngumiti.
"Nice to meet you po, akyat po muna kami," paalam ko. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at umakyat na ako sa taas.
"Miss, Chasty wait, hindi po kayo pwedeng pumasok sa kuwarto ni Cy-"
"Why!?" Inis kong tanong.
"Kakatulog niya lang po kase, and bilin po ng Mommy at Daddy niyo na wala akong papapasukin kahit sino," sagot niya naman.
"Manang, I'm his Sister, bawal pa rin ba ako!?" Galit kong tanong. Tumango naman siya kaya lalo akong nainis. "I don't care what my Mom says, nandito ako para bisitahin at kumustahin ang kapatid ko, sa ayaw at sa gusto niyo!" Galit kong sagot. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at hinawakan ako para pigilan.
"I'm sorry, pero hindi po talaga pwede." Pagmamatigas niya.
"Manang, hayaan niyo na po siya, hindi naman po namin gigisingin si Cy," paki-usap ni Vin, umiling naman siya kaya lalo akong nagalit.
BINABASA MO ANG
When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓
Teen Fiction[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron ka kapag nalaman mong hindi naman talaga siya ang para sa'yo? Sa bawat pagpatak ng ulan, iba't ibang...