VIN SANCHEZ
"Ano pre, nasaan ang girlfriend mo?" Natatawang tanong sa akin ni Khad.
"Manahimik ka nga diyan, makikita mo siya mamaya, dadaan siya dito," sagot ko kay Khad.
Ang kulit kase, sinabi ko naman na ipapakilala ko sa kaniya eh, kahit alam kong bawal ito ay ginawa ko pa rin, inangkin kong akin siya kahit hindi niya naman ako kilala, I have a crush on her since I was thirteen at ngayon na lagi ko na siyang nakikita ay gusto kong maglakas ng loob para mapasa akin siya, pero sa tuwing nakikita ko siya nawawalan ako ng lakas ng loob para magpakilala man lang, nahihiya ako dahil hindi ko man lang mapantayan ang talino niya.
"Ayan na siya," sabi ko kay Khad at tumingin sa gate kung saan pumasok si Chasty Cardinal.
"Gago ka, eh ayan yung crush ko eh, lagi yang bumibili doon sa tindahan ko," gulat akong napatingin kay Khad ng sabihin niya yun.
"Really?" Malungkot kong tanong. Tumango naman siya kaya hindi ko na lang pinansin, "saan ba diyan?" Tanong ko.
"Ayun, yung naka bag na black." Tinuro niya pa si Chasty kaya tuluyan na akong nawalan ng gana.
"Hindi naman yan yung tinutukoy ko eh, ayun oh, hala nawala na siya, ang bagal mo kase," natatawa akong sabi sa kaniya, pero ang totoo para akong nawalan ng gana sa lahat.
Umuwi ako ng bahay at laking gulat ko ng makitang andito na naman yung mga doctor ni Daddy.
"Anong nangyari?" Tanong ko kay Mommy.
"Inatake na naman ang Daddy mo, but he's okay now," sagot ni Mommy, mabilis akong pumasok sa kuwarto ni Daddy at nakita siyang natutulog.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya, mayroon na naman siyang dextrose.
"D-Dad, please lumaban ka, malapit na, kunting tiis nalang doctor na po ang panganay niyo," hindi ko maiwasang hindi umiyak, "Dad, hindi ba sabi ko ako ang magpapagaling sa'yo? Please Dad, ayaw kong mawala ka, paki-usap, hindi ko kaya," tuluyan na talaga akong napahagulhol.
Paglabas ko ng kuwarto ay nagulat ako dahil nakita ko si Khad na nakasandal sa pader at nakapamulsa.
"Kumusta si Tito?" He ask, lumapit naman ako sa kaniya at sumandal din sa pader.
"Inatake na naman siya kanina," malungkot kong sagot.
"Vin, kapag doctor kana at wala na kami, lagi mong tandaan na masaya kaming makita kang magtatagumpay, pwede mo bang ipangako sa akin na magtatagumpay ka?"
"Kahit hindi mo sabihin, magtatagumpay ako at isa pa, pwede din ba bago ka mawala hintayin mo muna akong maging ganap ng totoong doctor?" Natawa siya kaya napatingin ako sa kaniya.
Hindi na umuwi si Khad, doon na siya natulog ako sa bahay, nakatitig lang ako sa kisame ng kuwarto ko, kung pwede ko lang pabilisin ang panahon at baguhin ang mga pangyayari gagawin ko, sana ako na lang yung may sakit, sana hindi na sila nahihirapan, bakit sila pa? Mababait sila pero bakit sa kanila dumapo ang mga ganong sakit?
Kinabukasan ay sabay kami ni Khad na pumunta ng school, nagulat ako ng makitang dumaan si Chasty mabilis ko namang iniwan si Khad at pumasok ako ng room, hanggang ngayon takot pa rin akong humarap sa kaniya.
Tipid akong napangiti ng makitang magkasabay na naglalakad si Khad at Chasty, mabuti pa siya.
Dahil sa lungkot nakalimutan ko na may dinner nga pala kami ngayon kasama ang kaibigan ni Daddy, hindi niya naman sinabi kung sino kaya na-late ako ng dating sa bahay, halos malaglag ako sa upuan ko ng makita si Chasty at pinakilala sa akin na siya magiging fiancé ko.
BINABASA MO ANG
When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓
Teen Fiction[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron ka kapag nalaman mong hindi naman talaga siya ang para sa'yo? Sa bawat pagpatak ng ulan, iba't ibang...