CHAPTER 3

252 34 6
                                    

***

Dali-dali akong lumapit kay Khad na nakahandusay sa sahig, taranta ko siyang binuhat at inihiga sa hita ko. Nagulat ako ng mahawakan ko siya, subrang init niya.

"Khad!! Gising!!" Pilit ko siyang ginising pero walang epekto, pawis na pawis siya at putlang-putla. "Khad ano ba!? Gumising ka!!!" Sigaw ko. Sinampal-sampal ko na ang mukha niya pero wala pa rin.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuan ng condo niya pero magulo yun, nakakita naman ako ng isang gamot sa study table niya, hindi ko alam kung ano yun pero kinuha ko na yun at pilit pinainom sa kaniya.

"Gumising ka na!!" Sigaw kong muli at naiiyak na. Hindi ko na alam ang gagawin pero nainom naman niya ang gamot. Pinainom ko siya ng tubig at binuhat papunta sa kama niya. "Ang bigat mo." Reklamo ko.

Inayos ko ang pagkakahiga niya tinanggal ko din ang suot niyang uniform, hindi pa siya nakakapagpalit, kailan pa kaya siya nakahandusay doon?

Kinumotan ko siya at kumuha ako ng bimpo at maligamgam na tubig, pinunasan ko ang katawan niya at nakita kong maganda pala ang pangangatawan niya, hindi masiyadong payat, sakto lang.

Nilagay ko ang bimpo sa noo niya para maibsan ang lagnat niya, sana naman bumaba na ang lagnat niya, kung hindi pa rin isusugod ko na lang s'ya sa hospital.

Bumalik muna ako sa condo ko para magpalit ng damit, kaliligo ko lang pero pawisan kaagad ako.

Nagbihis ako kaagad at nagluto ng kakainin, nagluto ako ng ulam at kanin, tinulang manok ang ulam na niluto ko.

Nang maluto na yun at masiguradong masarap talaga ay nilagay ko na sa Tupperware at inilagay sa paper bag.

Tumingin muna ako sa salamin at napansing ang dungis ko pala, kaya naligo muna ako at sinigurong maayos akong haharap kay Khad.

Dadalhan ko muna siya ng pagkain dahil paniguradong wala pa siyang kain. Ni lock ko ang condo ko at pumunta naman sa condo niya. Gising na kaya siya?

Kumatok muna ako pero wala pa ring sumasagot, kaya binuksan ko na lang ang pinto dahil hindi naman nakalock.

Dala-dala ko yung niluto kong pagkain para sa kaniya, dumiretso kaagad ako sa kuwarto niya para makita kong ayus lang ba siya.

Pagpasok ko ay mahimbing pa rin siyang natutulog, kinuha ko ang bimpo sa noo niya at kinapa ang leeg niya. Bumaba na rin ang lagnat niya, buti naman.

Matapos mapalitan ang bimpo niya ay dumiretso ako sa kusina para ayusin ang pagkain. Matapos ay bumalik akong muli sa kuwarto niya at nilibot yun.

Nakaayos lahat ng gamit niya sa study table, ang mga damit niya ay maayos nakatupi at by color ang pagkakalagay noon sa cabinet niya. Samantalang yung akin hindi maitsurahan sa dami ng kalat ng kuwarto ko, katamad kase magligpit, nahiya tuloy ako bigla.

Nang makaramdam ako ng pagod ay hinila ko yung upuan na nakalagay sa study table niya at humarap sa kaniya. Pinagmasdan ko ang mukha niyang parang angel na natutulog.

"May itsura ka rin pala kahit papaano," iniyuko ko ang ulo ko sa kama niya dahil sa subrang pagod. Hanggang sa 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng may marinig akong hagoyhoy, kinusot ko ang mata ko para malinaw ang nakikita ko, masakit din ang leeg ko dahil sa maling posisyon ng pagkakahiga ko.

"Hmmm.....hmm..." Agad nagising ang diwa ko kay Khad.

"Khad? Ayus ka lang?" taranta kong tanong, kinakabahan na ako.

Namamawis ang buo niyang katawan kaya tinanggal ko ang kumot na bumabalot sa katawan niya. Nanginginig na ako dahil sa takot.

"K-khad?" Pilit ko siyang ginising pero walang epekto, patuloy pa rin siya sa pag iyak kaya lalo akong kinakabahan, "K-khad, gumising ka!!" sigaw ko pero hindi pa siyang gumigising, wala na rin naman siyang lagnat, hindi ko din alam kung anong masakit sa kaniya.

When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon