CHAPTER 5

223 32 0
                                    

***

"Hindi ka aalis ng bahay!" Sigaw ni Mommy, hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang na naglakad pababa ng hagdan, "Chasty, kailangan mong dumalo sa dinner kasama ang Daddy mo!" Sigaw niya ulit.

"Sinabi ko naman sa'yo Mommy, ayaw kong magpakasal!" Sigaw ko din sa kaniya.

Mabilis akong naglakad palabas pero laking gulat ko dahil wala doon ang kotse ko.

What the hell?

"Where is my car!!?" Sigaw ko sa loob ng bahay. "Where's my fucking car!!"

"Chasty, ano ba!? Ngayon mo makikilala ang lalaking papakasalan mo," sabi ni Mommy.

Inis akong lumabas ng bahay at pumunta sa garahe, kasunod ko pa rin siya at ayaw talaga akong paalisin. Gusto ko na talagang bumalik sa condo ko.

"Mommy, ilang beses ko rin bang sasabihin sa inyo na ayaw kong magpakasal!!" Sigaw ko. Narinig ata ako ni Cy dahil sa lakas ng sigaw ko. Lumabas siya mula sa garden.

Inikot ko na ang buong bahay para hanapin yung kotse ko pero hindi ko nakita at habang nag-iikot ako ay sunod ng sunod si Mommy sa akin.

"Wala ka ng magagawa, nakaplano na ang lahat," sabi niya pa. Bumalik ako sa loob at inis na umupo sa sofa. "Kapag hindi ka pumayag sa kasalan, wala kang matatanggap sa amin kahit piso, lahat ng credit card mo tatanggalin namin saiyo, lalong-lalo na ang kotse mo, hindi ka din tutuloy sa pag-aaral mo." Napatingin ako sa kaniya at takang-taka.

Really? They can do that to me?

"Ganiyan na ba talaga ang gusto niyong mangyari sa buhay ko? Kontrolin lahat ng ginagawa ko!?"

"Ate, ginagawa lang nila ang makakabuti saiyo!" Sigaw sa akin ni Cy.

"Makakabuti? Talaga? May concern kayo sa akin? Hindi ko kase maramdaman eh, kailan ba kayo nagkaroon ng pakialam sa akin?"

Akala ko tapos, pero ang dami nilang ginawa para lang mapapunta ako sa lintik na dinner na 'yon.

Nagkulong ako sa kuwarto ko buong hapon, hindi ako kumain, iyak lang ako ng iyak dahil sa inis, matagal kong pinag-isipan lahat ng 'yon, hindi ko alam kong tama ba ang disisyon kong pumayag na lang dahil wala naman akong choice, gusto kong makapagtapos at magagawa ko lang 'yon sa tulong nila kahit pa galit sila sa akin.

Gusto kong ipakita sa kanila na makakapagtapos ako ng pag-aaral ko. Hinding-hindi ako gagaya sa kanila.

"Fine, I'll go," nakangiti ng malapad si Mommy at ganoon din si Cy.

Hihiwalayan ko na lang yung lintik na lalaki na 'yon kapag hindi ko talaga nagustuhan ang mga ginagawa niya o itsura at pag-uugali niya.

"Be gentle Chasty, 'wag mo kaming ipahiya sa harap ng magiging nobyo mo, sasabihin saiyo lahat ng detalye tungkol sa kasal," bilin ni Mommy, iniirapan ko lang siya at hindi pinapansin.

Ang daming niyang sinasabi na dapat i-ayon ko ang sarili ko at 'wag madumi, kailangan daw disente akong tingnan, kailangan maging magalang at laging ngumiti, iwasan ko daw ang pag-irap dahil baka ma-desapoint daw sa akin yung magulang ng lalaki.

Tangina, sino ba 'yong lalaki na 'yon!!?

Pagdating namin sa bahay ng lalaki ay nagulat ako dahil subrang laki rin ng bahay nila, mas malaki nga lang yung sa amin.

When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon