***
"Kumain kana muna, namumutla kana," umupo naman siya sa stool at yumuko ginamit niya ang kaniyang braso para gawing unan. "Khad!" Tawag ko sa kaniya dahil ayaw niyang kumain.
"I don't want to eat," mahina niyang sambit at mas lalong dumukdok sa lamesa.
"Paano babalik ang lakas mo niyan kung hindi ka kakain?" Inis naman siyang umayos ng upo at galit na tumingin sa akin, nakakatakot.
Inis niyang hinila yung plato na nilagyan ko ng pagkain niya. Dahan-dahan siyang sumubo ng lugaw kahit diring-diri siya dito.
"Nasaan ba ang mga gamot mo? Umiinom ka ba? Ano ba kaseng ginagawa mo at lagi ka na lang may sakit?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya habang inaayos ang gamit sa kusina.
"Magaling na ako," mahina niyang sabi kaya napatingin ako sa kaniya.
"Talaga lang ha, makakapasok kana bukas?" Tumango naman siya na ikinagulat ko.
Ano yun? Ganon-ganon lang yung sakit niya? Lakas naman niya at nakakayanan niya yun? Grabe, ano yun whether-whether lang? May panahon kung kailan siya magkakasakit at wala? Ano yun, Winter, summer, spring's, autumn?
"Tsk," sagot ko bago pinunasan ang kamay, umupo ako paharap sa kaniya at pinagmasdan siyang kumain, malapit na rin siya matapos. "Kailangan mo pa ba ako dito? Babalik na ako sa condo ko, para naman ako naman ang magpahinga," hindi niya ako sinagot at tuloy-tuloy lang na kumain na animo'y walang narinig. "Hoyyy!"
"Pwede ka ng bumalik sa condo mo," sagot niya, tumango naman ako bago tumayo, naglakad na ako papunta sa pinto at handa ng lumabas. "Thank you." Napatingin ako sa kaniya pero nakatalikod pa rin siya at hindi man lang ako nagawang lingunin.
Napangiti naman ako ng bahagya bago tuluyang lumabas, pagdating ko sa kuwarto ko ay pagod na pagod akong humiga sa kama, hindi ko na nagawang maglinis ng katawan dahil sa subrang pagod.
Nag-set na lang ako ng alarm para magising ako ng maaga dahil may pasok pa kinabukasan.
Sana naman ayos na talaga si Khad.
NAUNA pa akong nagising sa alarm ko, nagising ako ng four ng madaling araw kaya nagawa ko pang magluto ng kakainin ko, kaya lang bacon and rice lang yun dahil hindi pa ako nakapamili.
I open my cellphone and read my Mom text.
From: Mom
I already send to you your allowance for this month.Napairap ako dahil doon, matapos kumain ay naligo na ako, lagkit na lagkit ako sa katawan ko dahil hindi ako nakalinis kagabi.
Paano ba naman subrang pagod, nakakainis lang dahil papasok na naman ako, panibagong araw na naman ang kailangan kong tapusin.
Matapos masigurong ayos na ang lahat sa akin ay lumabas na ako ng condo, siniguro kong nasaraduhan ko ang pinto ko ng maayos.
Sumakay ako ng elevator at pagbaba ko ay dumiretso kaagad ako sa kotse ko at nagdrive papuntang school.
Pagdating ko sa school ay marami akong naririnig na mga bulungan, pero hindi ko yun nagawang pansinin kagaya ng kasalukuyan kong ginagawa.
Wala naman akong pakialam kung ano pang iniisip nila tungkol sa akin, mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa kanila.
Habang naglalakad sa hallway ay may bigla na lang tumawag sa akin, tinaasan ko ng kilay ang isang freshman na lalaki at hinihintay ang sasabihin niya.
"Ate Chasty, pwede pong pa picture?" Nahihiya niyang tanong.
"No," Mabilis kong sagot.
"Kahit isa lang po?"
"I said No, I'm not a celebrity so please stop?" Hindi siya nakasagot sa pananaray ko.
BINABASA MO ANG
When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓
Teen Fiction[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron ka kapag nalaman mong hindi naman talaga siya ang para sa'yo? Sa bawat pagpatak ng ulan, iba't ibang...