***
"Ano!?" Gulat kong tanong, ano na namang kagaguhan ang ginagawa nila? Bakit parang ginagawa na lang nila kaming laruan? Mga anak nila kami hindi kami tau-tauhan lang.
"That's Mom said." Padapa siyang humiga sa kama at alam kong umiiyak na siya.
"Cy, gagawa tayo ng paraan-"
"I know that y-you don't like kuya Vin, a-ate I don't want to marry a woman that I don't like," umiiyak niyang sagot sa akin.
"You don't need to marry a girl you don't like, bata kapa at hindi ka pa pwedeng ikasal," sagot ko sa kaniya habang pinapatahan siya, tinabihan ko siya sa kama at niyakap.
"Cy, tell me, anong nangyayari dito sa bahay?" Nag-aalala kong tanong. Hindi niya naman ako sinagot pero umiiyak siya at palakas na ng palakas. "N-Nung birthday mo, b-bakit ka umiiyak?" Mas lalong lumakas ang iyak niya dahil sa tinanong ko kaya subra akong kinabahan sa pwede niyang isagot, natatakot na baka yung iniisip ko ay totoo. "Cy tell me, anong nangyayari?" Umiling lang siya ng umiling at niyakap ako ng mahigpit.
Tumulo ang luha sa mata ko dahil hindi ko na yun napigilan, gusto kong sumigaw at ilabas lahat ng sakit dahil pati ako apektado sa dinadala ni Cy, kung pwede sanang ako na lang yung magdala noon lahat at hindi na siya mahirapan ang gagawin ko, kahit ako na lang yung mahirapan 'wag na siya.
Gusto ko mang samahan si Cy sa bahay pero hindi pwede, may pasok ako kinabukasan kaya kailan kong umuwi, kitang-kita ko sa mga mata ni Cy ang lungkot, ayaw niyang bitawan ang kamay ko na para bang takot na takot, hindi ko na alam kung ano ang pwedeng mangyari kapag iniwan ko siya dito, pero sana hindi tama ang naiisip ko na nangyayari sa kaniya.
Habang nagmamaneho ako pauwi sa bahay ay napadaan ako sa isang mini store, bumili muna ako ng pwede kong kainin habang inaayos ang plates ko, hindi pa ako nakakapasok sa loob ng store ay napahinto ako dahil sa nakita, si Vin yun at may kasamang babae, hindi ko na lang yun pinansin at tuloy-tuloy lang akong pumasok sa loob, hindi ko alam kung nakita ba nila ako, pero sana naman hindi, gusto ko rin kaseng makita yung itsura ng girlfriend niya kahit na dilekado ay kailangan kong gawin.
Tatanggapin ko kung sisigawan niya ako o aawayin, kahit sambunotan niya pa ako dito hindi ako magrereklamo dahil deserve ko yun, na dapat siya ang kasama ni Vin sa iisang bahay ay hindi niya nagawa dahil ako ang kasama niya, kinuha ko yung pagkakataon na dapat siya ang kasama ng lalaki kapag natutulog ito at kapag gigising siya ay mukha ng boyfriend niya ang kaniyang makikita, pero nang dahil sa akin ay nawala yun.
Bakit kase hindi sinabi ni Vin kayla Tito na may girlfriend siya? Ako tuloy ang nahihirapan. Ang dami ko na ngang problema pati ba naman ito ay kailangan ko pang problemahin?
Nakaharang silang dalawa sa freezer kung saan nadoon ang ice cream na kukunin ko sana, habang namimili ng snacks ay sumusulyap ako sa kanila para makita ang itsura ng babae, kailangan kong makilala kung sino ang girlfriend niya para kahit papaano ay magkakaroon ako ng ideya.
Nang humarap ang babae sa gawi ko ay doon ko siya nakilala, sa Aceus University din siya nag-aaral, I think nasa business field siya kase doon ko siya madalas makita kapag uwian na.
Maganda siya, maputi at medyo matangkad rin pero mas matangkad ako sa kaniya, magara manamit kaya alam kong anak mayaman din siya, kung nasa business siya malamang na kilala ng parents ko ang parents niya, baka nga doon sila nagkakilala ni Vin eh.
Hindi na ako kumuha ng ice cream at nagbayad na lang matapos makapamili, dumiretso na ako sa kotse ko mabuti na lang dahil hindi nila ako napansin kung hindi baka mayari ako. Kanina pa sila nag-uusap doon mukhang seryusong-seryuso ang kanilang pinag-uusapan.
BINABASA MO ANG
When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓
Teen Fiction[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron ka kapag nalaman mong hindi naman talaga siya ang para sa'yo? Sa bawat pagpatak ng ulan, iba't ibang...