***
"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ni Mang Marlon, babalik na kami sa bahay dahil kinakabahan ako kay Khad, baka dito pa atakihin sa isla mahirap na.
"Ayaw ko pa ngang bumalik eh," reklamo ni Khad.
"Sige maiwan ka dito," sagot ko naman sa kaniya. Nakasimangot siyang umakyat ng bangka at sumunod naman ako, inalalayan niya akong maka-akyat at sumunod naman sa amin ang iba.
"Tara na." Naglayag kami sa karagatan, hindi mabilis ang pagtakbo ng bangkang sinasakyan namin si Cy naman at natutulog sa kuwarto kasama si Pria at Cris.
Tanging kaming tatlo lang ang nandito sa labas at pinagmamasdan ang mga nadadaanan naming isla.
"Chasty, kape?" Umiling ako sa alok ni Khad, akala mo naman kape ang iniinom.
"Anong plano niyo pagbalik ng bahay?" Tanong ni Vin, tumingin naman ako sa kaniya saka ngumiti.
"Matulog," sagot ko. Tinawanan naman ako ni Khad at nag-inat. Humigop lang naman ng kape si Vin.
"Oo nga pala, Doc Sanchez, lumabas na ba ang result ng exam natin?" Tanong ni Khad.
Oo nga pala hanggang ngayon inaantay pa namin ang result ng exam, aalis sana kami matapos malabas ang result ng exam kaya lang itong si Khad nagmamadali kaya napadali din ang punta namin dito.
"I think mamaya nila ilalabas," sagot naman ni Vin.
"Paniguradong si Architect Cardinal na naman ang nangunguna," sabi ni Khad, napatingin naman ako sa kaniya.
"Engineer Martinez, kapag ako ang mas mataas sa'yo, ililibre mo ako ng ice cream ha,"
"Ang daya mo naman Architect, malamang na ikaw na yan, Doc. Sanchez, kapag mataas sa'yo si Architect Cardinal, libre mo kami," tinaasan siya ng kilay ni Vin. "Dali na, ang damot mo naman," nakangusong sabi ni Khad.
"Kapag bumagsak ka sa top five, ikaw ang manlilibre," sagot naman sa kaniya ni Vin.
"Tama, tama," sang-ayon ko.
Nasabi na sa akin ni Khad na nahihirapan siya dahil sa sakit niya at alam niya sa sarili niya na babagsak nga siya, pero naniniwala naman akong kaya niya yun, matalino siya kaya alam kong kaya niya.
"Pinagtutulungan niyo ako eh, alam niyo naman na babagsak ako," malungkot niyang sabi.
"Oo sinasabi ko sa'yo, sa kamao ko ikaw babagsak kapag hindi ka nakapasok sa top five," banta sa kaniya ni Vin.
"Nakaka-pressure ka talaga, ginawa ko naman ang best ko," sagot niya naman.
Ganito ba talaga sila?
"Kailan nga pala ang kasal niyo?" Gulat akong napatingin kay Khad, inis kong inabot ang tsinelas na suot ko at ibinato yun sa kaniya, mabuti na lang at nasalo niya kung hindi malamang na lumulutang na yun sa dagat. "Problema mo?" Inirapan ko lang siya saka tumayo, mabilis akong pumasok sa kuwarto kung saan natutulog yung tatlo.
Nakisiksik ako sa tabi ni Cy at niyakap siya habang natutulog, wala akong planong matulog pero dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog kaagad ako.
"Ate, gising na, we're here," kinusot ko ang mata ko dahil sa kulang ang tulog, napahawak naman ako sa ulo ko ng bigla yung sumakit. "Are you okay?" Tanong niya pa, tumango lang ako bilang sagot.
Inayos na namin lahat ang lahat bago kami tuluyang pumasok sa bahay, para akong magkakasakit na ewan dahil sa pagod at kulang sa tulog.
"You can rest now, ako na ang bahala dito," napansin siguro yun ni Vin kaya tumango na lang ako.
BINABASA MO ANG
When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓
Teen Fiction[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron ka kapag nalaman mong hindi naman talaga siya ang para sa'yo? Sa bawat pagpatak ng ulan, iba't ibang...