CHAPTER 24

180 17 0
                                    

***


Another week for my plates at hindi lang isa, kundi tatlo pa, kaya doon ko itinuon ang attention ko, hindi na rin kami masiyadong nagsasama ni Pria dahil lagi siyang tinutulungan ni Cris sa paggawa ng plates.

Ako na lang ata mag-isa ang nasa room at tinatapos ang plates ko, sayang ang oras kung uuwi kaagad ako sa bahay, hindi rin ako makakapag-focus doon dahil mag-aaway lang kami ni Vin. Ayaw kong sayangin ang oras, kahit gabi na ako umuwi ayos lang naman yun, hindi naman mahigpit ang school kung magpapaiwan dito sa room.

"Chasty, ano pang ginagawa mo dito?" Akala ko lang pala.

"Tatapusin ko lang po ito Miss," sagot ko naman.

"Doon mo na 'yan tapusin sa bahay niyo, sige na umuwi kana." Utos niya, wala akong nagawa kundi ang sundin siya, nakakainis, dinala ko lahat ng arts materials ko kaya ang dami kong dala, hindi pa maayos ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko.

Naglakad ako sa hallway papunta sa kotse ko, nadaanan ko ang room nila Vin at hindi pa sila tapos sa klase nila, sunod kong nadaanan ang room nila Khad at sakto dahil kalalabas lang nila, mabuti naman.

"Oh Chasty? Ang dami mong dala ah?" Sabi ni Cris at muntik pa ako nitong mabangga, ganoon din ang iba nilang kaklase mabuti na lang at mabilis akong nakakailag kung hindi baka nagkalat na ito ngayon sa sahig.

"Oo kaya kailangan ko ng umuwi dahil nagmamadali ako," sagot ko naman dito, kita kong lumabas na rin si Khad at inaayos ang suot niyang polo. Napatingin naman siya sa gawi ko bago ngumiti. Malaki ang ngiting lumapit siya sa akin.

"Kailangan mo ng tulong?" Makaluko niyang tanong.

"Ay hindi ata?" Pilosopo kong sagot. Tinawanan niya lang ako bago kinuha ang dala ko at siya na ang nagbuhat noon, inayos ko naman ang bag na suot ko at sumunod na sa kaniyang maglakad.

"Para saan ba ito?" Tanong niya, ang dami kase noon, may mga kartolina, cartoon at mga papers ng mga plates ko, gusto ko nalang talagang mamatay sa dami ng requirements na kailangang ipasa ngayong linggo. Patapos na rin kase ang semester at hinihintay na lang namin ang exam kaya rush ang mga prof namin.

"Ano ba sa tingin mo 'yan? Dadalhin ko ba 'yan kung hindi ko gagamitin at walang kwenta?" Irita kong sagot sa kaniya. Tinawanan niya lang ulit ako at sabay na kaming lumabas ng gate.

Pagdating sa kotse ko ay inilagay ko lahat yun sa compartment ng kotse ko, bahala na kung anong mangyari doon mamaya.

"Mauna na ako sa'yo, thank you," sabi ko kay Khad na nakapamulsa ang isang kamay niya sa pantalon at ang isa naman ay hawak ang strap ng kaniyang bag.

"Wait, kain muna tayo," sabi niya.

"Sa susunod na lang, kailangan ko itong tapusin lahat," sagot ko sa kaniya at sumakay na ng kotse ko. Kumaway naman siya sa akin at nginitian ko lang.

Pagdating ko ng bahay ay sinalubong kaagad ako ni Venice pero hindi ko na siya nalaro dahil kailangan ko itong tapusin, sinigurado kong naka-lock ang kuwarto ko para hindi pumasok si Venice baka kung ano na naman ang gawin niya sa pinaghirapan ko.

"Nakakapagod," ibinagsak ko ang sarili ko sa malambot na kama, dinama ko ang lambot at lamig nito nakakatanggal ng stress at nakaka-relax.

When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon