CHAPTER 22

165 18 0
                                    

***

"Pwede ba, 'wag mo akong ginagago?" Inis kong sabi sa kaniya at inirapan niya, sarap niya batukan ampt.

Tinawanan niya lang ako ng irapan ko naman siya, hindi na ulit siya nagsalita, ganon din naman ako, mas gusto ko pa ngang tahimik eh. Nakatingin lang siya sa daan habang nagmamaneho, hanggang huminti siya sa isang bar kung saan makikita mong halos walang tao dahil maaga pa.

"Good news, tayo lang ata ang customer," natatawang sabi ni Pria ng makababa kami ng sasakyan. Naglakad na kami papasok ng bar.

"Ede maganda, magsasaya tayo ngayon," sagot naman ni Cris. Masama siyang tiningnan ni Pria pero hindi niya ito pinansin.

Night bar.

Ayan ang pangalan ng bar, night daw pero bukas sa araw, grabe rin ang nag-isip ng pangalan nito eh. Pagpasok namin sa loob hindi namin naamoy na amoy alak dito, hindi kagaya ng ibang bar na nasa labas ka pa lang amoy na amoy mo na kaagad ang alak. Sa amoy pa lang lasing kana eh.

Naghanap kaagad kami ng couch ba pwede naming upuan lahat, pumunta naman su Cris sa counter para umorder ng drinks. Maingay na rin kase hindi pa gabi at wala pa masiyadong tao.

May pailan-ilan na pumapasok pero doon sila sa taas, kami naman ay malapit sa dance floor para kung gustuhin naming sumayaw doon ay madali lang kami makapunta, nang dumating na ang drinks ay nagsimula na kaming uminom.

"Cheers!" sigaw naming lahat sabay-sabay na uminom.

Minsan lang kami magkasama ng ganito, nagsasaya na parang walang problema, pero ang totoo hindi lang namin masabi sa isa't isa kung ano ba talaga ang totoo naming dinadala. Habang patagal ng patagal mas lalo ko na silang minamahal bilang kaibigan, yung pag-aalala, inis, galit, takot at kaba para sa kanila ay pagmamahal.

Habang tumatagal kami sa inuman napapansin kong hindi masiyado umiinom si Khad at namumutla na din siya, kinakabahan na ako kaya hindi muna ako nagpakalasing, si Pria naman ay lasing na at kung ano-ano na ang sinasabi.

Hindi ko maiwasang hindi mapasulyap kay Khad, tahimik lang siya at hindi nagsasalita, hindi kagaya ni Cris at Pria na ang ingay na, medyo marami na rin ang tao dahil madilim na sa labas, may sumasayaw na sa dance floor at nagtatawanan, may iba naman na naglalabas ng kanilang hinanakit, kaya may kasabihan eh, 'ang alak hindi nagsisinungaling'.

"C-Cr lang ako," paalam ni Khad at dahan-dahang tumayo, hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya ng magsimula na siyang humakbang, kabadong-kabado ako habang tinitingnan siya. Nang humakbang na siya ay napahawak siya sa ulo niya at hindi na balansi ang lakad niya kaya natumba siya.

"Khad!" Sigaw ko at dali-daling lumapit sa kinaroroonan niya, nakahawak lang siya sa ulo niya na para bang subrang sakit noon. Hinawakan ko ang kamay niya at pinipilit siyang tumayo para maalalayan ng maayos. "Cris, si Khad!" Napatingin naman siya sa amin at nawala ata ang pagkalasing niya dahil mabilis siyang nakarating sa amin.

"Anong nangyari sa kaniya?" Mabilis niyang tanong.

"Hindi ko alam, bigla na lang siyang natumba," taranta kong sagot. Taranta niyang binuhat si Khad at halata sa mukha niya ang labis na pag-aalala.

"Ikaw na muna ang bahala kay Pria, ako na ang bahala sa kaniya." Pagkasabi niya noon ay tumakbo na siya palabas ng bar. Lumapit naman ako kay Pria na sumasayaw na sa gitna, hinila ko siya at sabay na kaming lumabas matapos magbayad.

Sinakay ko siya sa kotse ko at nagdrive na papunta sa bahay nila, paniguradong hinahanap na siya sa kanila dahil gabi na, paniguradong hindi rin siya nagpaalam.

Nang makarating sa kanila ay pinagbuksan naman ako ng guard ng gate kaya mabilis akong nakapasok sa kanila, nag-door bell ako sa pinto nila at sinalubong naman ako ng mga maid, buhat-buhat ko si Pria kaya hirap na hirap na ako.

When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon