CHAPTER 9

208 34 0
                                    

***

Wala na ba talaga akong puso? Nakokonsensya tuloy ako sa sinabi kanina ni Vin, hindi ako makapag-focus sa pinag-aaralan namin dahil nandoon pa rin ang utak ko sa bahay.

Bakit kase hindi muna ako kumain bago umalis? Alam kong mali ang ginawa ko dahil nag-effort siya at para rin naman sa akin 'yon, pero mas pinairal ko ang katarayan at parang hinusgahan ko pa ang luto niya para sa akin.

Sa susunod nga kakain na ako.

Masarap naman ang luto niya pero aywan ko at bakit hindi ko naisip kaagad 'yon kanina, nakakainis.

"Hoy Chasty Cardinal, kailan mo balak sabihin sa akin ang pinakatatago mong sekreto?" Sabi ni Pria dahil lumabas na ang Prof namin.

"Kailangan buong pangalan ko?" Inis kong tanong sa kaniya.

"Ano!? Wala ka talagang balak sabihin sa akin? Kung hindi pa lumapit yung lalaki na yun hindi ko pa malalaman?" Sabi niya pa at bahagya akong hinampas.

"Sandali ba, sasabihin ko din naman sa'yo eh, wala lang akong mahanap na pagkakataon," sagot ko sa kaniya.

Dahil uwian na namin ay hinila niya na ako palabas ng room at dumiretso kaagad kami sa kotse ko. Paniguradong doon na naman siya matutulog sa condo ko eh hindi nga ako doon matutulog.

"Ano!? Nandoon na pa naman ang mga gamit ko," nanghihinayang niyang sabi sa akin.

"Sino ba kaseng nagsabi sa'yo na dalhin mo doon?" Tanong ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako. Pinilit niya akong pumasok sa kotse ko at mabilis niya namang nagawa. Pagka-upo ko pa lang sa driver seat ay tinadtad niya na ako ng tanong.

"Sabihin mo, sino siya? Anong pangalan niya? Kailan pa? Bakit hindi ko alam? Mabait ba? May girlfriend? Anong course niya? Ano!? Dali sabihin mo,"

"Kingina mo, paano ako makakasagot kung puro ka tanong?" Inis kong tanong sa kaniya.

"Ang bagal mo kase," reklamo niya pa.

"Okay, 'di ba may sinabi ako sa'yo na naka-fix marriage ako?" Tumango naman siya, "siya yun, si Vin Sanchez, yung top 2 sa school ranking?"

"Oh my god? Siya yun? Yung nasa Medical?" Tanong niya pa.

"Medical course niya?" Taka kong tanong, hinampas niya naman

"Seriously, Chasty Cardinal? Hindi mo alam ang course ng magiging asawa mo?" Tanong niya, umiling naman ako bilang sagot.

Wala naman kase talaga akong pakialam sa kaniya eh, kaya pala nung nag-usap kami nakaraan sa cellphone ay sinabi niyang magpa-check up na ako sa kaniya.

"So ano na nga, okay sa girlfriend niya?" Tanong niya ulit.

"Hindi ko nga din alam, pasalamat naman ako dahil hindi ako sinusugod ng girlfriend niya 'no," sagot ko sa kaniya.

"Huwag kang pakasiguro dahil baka hindi mo alam nasa likod mo na pala siya tapos sasambunutan kana hindi mo pa alam," sabi naman niya.

"Basta wala akong ginagawa masama, pareho lang kaming napilitan sa kagustuhan ng mga magulang namin," inis akong sumandal sa upuan at tumingin sa harapan, hindi pa naman umaandar ang kotse dahil kay Cris siya sasabay.

When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon