***
I
sang buwan na din ang nakalipas simula nung pumayag akong magpaligaw kay Khad, hindi kami gaano nagkikita pero lagi niya naman akong tinatawagan at tene-text, hindi ko naman sinabing gawin niya yun pero siya ang nagkukusa, ilang linggo na lang din malapit ng matapos third year namin, pagkatapos noon ay fourth year na naman. Pahirap ng pahirap lalo ang school activities, pini-pressure pa kami ng mga prof namin sa plates.
["Kaya mo 'yan,"] nakangiting sabi ni Khad sa Video call.
"Wow, ang laki ng naitulong mo," inirapan ko siya at pinagpatuloy ang ginagawa kong plates.
["Ang laki talaga, ayaw mo pa noon may gwapo kang inspiration?"] Patuloy siya sa pagtawa, hindi ko na siya pinansin hanggang sa naging tahimik na siya.
Hindi ko pinatay ang tawag at nanatili lang yung nakikita namin ang isa't isa, hindi naman siya yung tipo ng lalaking laging nagsasabi ng nakakakilig na salita kagaya ng ng mga nababasa ko sa mga Romance book's, kapag tumatawag siya or nag-uusap kami sa chat or text lagi niya lang sinasabi na ang gwapo niya, dapat daw ma-in love na ako na kaniya, paulit-ulit niya lang yung sinasabi pero may isa talaga siyang sinabi na tumatak sa isipan ko at hindi ko kinalimutan.
"If ever mawala ako please don't cry?"
"Huh? Mawala? Sino ka ba para iyakan ko?" Natawa lang siya sa tanong ko pero umuling siya.
["Chasty? Panget ba ako-"]
"Manahimik ka, naririndi ako saiyo, reklamo ko sa kaniya at nagkunwaring tinatakpan ang tainga ko.
["Sabi ko nga,"] natahimik na siya doon at hindi na nagsalita.
Inayos ko lahat ng gamit ko nang matapos ako, tumingin ako sa screen ng laptop ko at nakita si Khad na natutulog na, nakahiga na siya sa kama niya at nakatutok lang ang camera niya sa mukha niya.
"Good night," natatawa kong sabi at papatayin na sana pero bahagya siyang gumalaw kaya napatingin ako sa kaniya, masinsinan ko siyang tiningnan at pinagmamasdan ang gagawin niya. Baka sinusumpong na naman siya ng sakit niya.
At tama nga ako dahil nasasaktan na naman siya, mahigpit ang pagkakahawak niya sa kumot na para bang subrang sakit ng nararamdaman niya.
Hindi ko pinatay ang tawag at kumuha ako ng hoodie bago lumabas ng bahay, madilim na sa sala kaya malamang na tulog na si Vin o hindi siya umuwi, dumiretso ako sa garahe at kinuha ang kotse ko, mabilis akong nagdrive sa gate ng village at hindi naman ako pinagbuksan nang gate ng guard.
"Miss Chasty you're not allowed to go outside the village this hour-"
"Kuya kailangan ako ng kaibigan ko, emergency," ipinakita ko sa kaniya si Khad na nahihirapan kaya mabilis siyang kumilos at binuksan ang gate. "Thank you." Mabilis ang ginawa kong pagmamaneho para makarating kaagad ako sa condo niya.
Nang makarating ako doon ay mabilis akong sumakay ng elevator at tumakbo papunta sa pinto niya, nadaanan ko na naman yung condo ko, pilit kong binubuksan yung condo niya pero naka-lock yun at hindi ko alam ang password.
"Bumukas ka please," naiiyak kong sabi at pilit nagtipa ng password. "030600,"
"Wrong password."
"050600." Bigla naman yung bumukas, bakit birthday ko ang password niya? Umiling na lang muna ako at hindi muna yun pinansin dahil mas kailangan kong unahin si Khad.
Pumasok ako sa kuwarto niya at nakita kong hindi pa rin siya tumitigil sa kaiiyak, niyugyog ko siya para magising habang umiiyak, hindi ko talaga alam kung ano nang nangyayari sa kaniya, bawat araw na ganito lagi na lang akong kinakabahan.
BINABASA MO ANG
When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓
Teen Fiction[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron ka kapag nalaman mong hindi naman talaga siya ang para sa'yo? Sa bawat pagpatak ng ulan, iba't ibang...