***
Matapos ng gabing 'yon ay mabilis akong pumunta sa kuwarto ko at humiga, hindi ko na enexpect si Vin na dito rin matutulog dahil narinig kong may kausap siya kanina sa cellphone niya, girlfriend niya ata.
Nang makakatulog na ako ay siya naman ang pagring ng cellphone ko. Inis ko ying dinampot at sinagot kahit hindi ko alam kung sino ang tinawag.
["Nandito kaba sa condo mo?"] Tanong ng kabilang linya. Napabangon ako ng marealize na si Khad ang tumawag.
"Paano mo nakuha ang number ko?" Tanong ko sa kaniya.
["Pria?"] Sagot niya naman, yung babae talaga na 'yon.
"Wala ako sa condo," sagot ko sa tanong niya kanina.
["I see, good night,"] paalam niya at pinatay ang tawag.
Taka akong napatingin sa cellphone ko bago bumangon at mabilis na nagsuot ng hoodie at jogging pants.
Mabilis akong lumabas ng bahay at halos mapatalon ng bigla na lang sumulpot galing sa kusina si Vin.
"Where are you going?" Tanong niya.
"Wala kang paki," sagot ko sa kaniya at lumabas ng bahay. Mabilis akong pumunta sa garahe at kinuha ang kotse ko.
Akala ko ba maylakad siya?
Mabilis akong nagdrive palabas ng village at umuwi sa condo ko. Mabilis akong sumakay sa elevator, pagdating ko sa condo ko ay may nakita akong box doon sa pinto. Dahan-dahan ko 'yong kinuha at binuksan ang condo ko.
Galing ba ito sa kaniya?
Pagpasok ko ng condo ko ay mabilis ko yung binuksan, may ribbon pa yun kaya tinanggal ko din.
Dahan-dahan ko yung binuksan at napangiti ng makita ang maliit na cake. 'Thank you.'
Yun ang nakasulat sa cake, napangiti ako dahil doon, sa kaniya nga ito galing. Kinuhaan ko 'yon ng picture at senend sa kaniya.
To: Khad
Welkam.Kumuha lang ako ng isang slice at nilagay na 'yon sa refrigerator ko, bago nanuod sa Netflix.
Ilang minuto na akong kumakain ng cake, masarap siya kase strawberry flavor, bigla namang may nagtext ulit.
From: Tukmol
Uuwi ka ba o hindi?Tanong ni Vin. Mabilis naman akong nagreply.
To: Tukmol
Naka-uwi na akoFrom: Tukmol
I mean dito sa bahay?To: Tukmol
Hindi.Hindi ko na siya pinansin at nanuod na lang ulit, saglit pa ay kumatok sa condo. Isturbo talaga eh.
Inis ko yung tinayo para tingnan kong sino, at nagulat ako dahil si Khad ang nandoon sa labas.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"Ahm..." Kinakabahan niyang sagot, hinihintay ko ang kasunod ma sasabihin niya. "P-Pwede mo ba akong samahan?" Tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓
Novela Juvenil[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron ka kapag nalaman mong hindi naman talaga siya ang para sa'yo? Sa bawat pagpatak ng ulan, iba't ibang...