CHAPTER 41

207 17 1
                                    

Nagising ako sa ingay sa paligid ko, nakita ko si Cy na umiiyak sa tabi ko habang hawak-hawak ang kamay ko.

"Ate, wake up please, I need you, don't leave me again." Umiiyak niyang sabi.

"Cy, magigising din ang Ate okay?" Pagpapatahan sa kaniya ni Pria. Medyo lumayo sila sa akin at si Vin naman ang tumabi sa kama ko.

"Chasty, p-please wake up?" Tumutulo ang luha niya ngayon habang hawak-hawak ang kaliwa kong kamay. "Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin kapag nawala ka, si Cy hinihintay kang magising, limang araw ka ng natutulog eh, Chas?"

What? Five days? The fuck?

Pero bakit nakikita at naririnig ko sila kung hindi ako gising? Anong nangyayari? Humiwalay ba ang kaluluwa ko sa katawan ko? Bigla na lang nandilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang nangyari.

"Gising na si Chasty!" Sigaw ng kung sino, medyo blurred pa ang nakikita ko at hindi ko sila makilala isa-isa.

"N-Nasaan ako?" Tanong ako, nagkatinginan naman silang lahat.

"Ate, nasa hospital ka po," sagot ng lalaki, mukhang si Cy yun. Nang naka adjust na ang mata ko ay saka lang naliwanagan kung sino ang mga tao sa harapan ko.

Cy, Vin, Pria, Cris, Tita, Anna and Casandra.

"B-Bakit nandito kayong lahat?" Taka kong tanong, napansin ko rin na maraming lobo sa paligid, iba't ibang kulay na para bang may celebration na naganap.

"Happy birthday!!" Sabay-sabay nilang sigaw at nagpaputok pa ng party popper. Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig.

Birthday ko?

Nagsimula na silang umawit habang ako naman ay inalalayan ni Pria na maka-upo sa kama, habang umaawit sila ay ilalapit sa akin ni Vin ang isang chocolate cake na may kandila.

"Make a wish and blow the candle." Utos ni Vin. Pumikit naman ako at humiling.

I hope this year ay maging masaya kaming lahat, no problem, no stress, no pressure, no crying and also no one will die again.

Hinipan ko ang kandila kaya nagsigawan na naman silang lahat pinangungunahan siyempre ni Pria.

"Thank you." Sambit ko na lang. Lumayo na sila sa akin at nagsimula ng kumain, si Vin naman ay hindi lumayo sa tabi ko.

"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin.

"Nagugutom ako," nakanguso kong reklamo.

"Hindi kapa pwedeng kumain, miski uminom ng tubig," natatawa niyang sagot na lalo kong ikinanguso.

"Bakit daw?"

"Wala kang maalala?" Kunot noo niyang tanong kaya nagtaka naman ako bago umiling. "Natamaan ka ng nala sa tagiliran mo, mabuti na lang at nadala ka kaagad namin sa hospital kung hindi baka nasa ilalim ka na ng lupa ngayon, isang linggo kaba namang tulog." Nagulat ako sa sagot niya.

Isang linggo? Isang linggo na akong tulog?

"H-Hindi nga?" Gulat kong tanong.

"Oo, mabuti nga at nagising kapa eh, oo nga pala yung Mommy at Daddy mo nasa kulungan na, they will not bothered you both again." Sagot niya, nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

Habang kumakain sila doon ay nakatingin lang ako dahil bawal pa daw akong kumain. Kinabukasan ay pinayagan na kaming lumabas ng hospital, medyo masakit pa yung sugat ko sa tagiliran na gawa ng hinayupak kong Ama. Mabuti na lang at pwede na akong kumain kung hindi baka gutom ang ikamatay ko hindi tama ng bala.

When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon