***
Nang makarating kami sa bahay ni Cy ay dumiretso siya kaagad sa guest room, ako naman ay pumunta sa kuwarto ko para magpalit ng damit, naligo na rin ako dahil nandidiri na ako sa sarili ko, ikaw ba naman ang sumuka ng sumuka, halos lahat ata ng kinain ko kanina ay inilabas ko na eh.
Matapos kong magpalit ng damit ay bumaba na ako para magluto ng kakainin namin ni Cy, sinabay ko na din si Vin dahil baka umuwi siya, nakita ko naman si Cy sa sala at nanunuod ng tv, hindi ko alam kung ano yung pinapanuod niya pero alam kong tungkol yun sa Law, may balak ba siyang mag-lawyer?
Hindi ko na siya doon pinansin dahil seryuso siya sa kaniyang pinapanuod, hindi niya nga ata ako nakita na bumaba, nagluto lang ako ng kanin at ulam, yung ulam na niluto ko ay chicken curry, gumawa ulit ako ng cookie's baka kase gusto ni Cy, ice cream naman ang gusto kong dessert mamaya. Matapos kong magluto ay tinawag ko na din siya, mabilis naman siyang lumapit sa akin at umupo kaharap ko.
"Nasaan pala si Kuya Vin, Ate?" Kunot noo niyang tanong.
"Nagce-celebrate kasama yung mga kaibigan niya," sagot ko naman habang nilalagyan ng kanin ang plato niya.
"Hindi ka sumama?" Takang tanong niya.
"Why would I? Alangan namang iwanan kita dito?" Natatawa kong sagot sa kaniya.
"Okay lang naman ako dito, at saka malay mo maagaw siya ng iba sa'yo, marami bang babae doon?" Natawa ako sa sinabi niya pero hindi ko sinagot. Nasa kaniya naman yun kung balak niyang kaliwain ang girlfriend niya, I'm not his girlfriend by the way, wala akong pakialam kung ano pang gagawin niya doon, mas inaalala ko pa si Khad dahil baka bigla na lang siyang mahimatay doon.
"Hayaan mo siya, kumain ka na lang." Utos ko, tumango naman siya at nagsimula ng sumubo.
"Magka-away pa din ba kayo ni Kuya, Ate? Bakit magkahiwalay pa rin kayo ng kuwarto?" Tanong niya.
"H-Huh? H-Hindi na, mas gusto ko lang mapag-isa kaya doon ako sa kabila natutulog," pagsisinungaling ko sa kaniya. Ito na nga ba yung ayaw ko eh, baka ma-desapoint si Cy kapag umamin na ako sa kaniya, sana lang hindi pa bumalik si Vin.
Nang matapos kaming kumain ay wala pa rin si Vin, hindi ba siya uuwi? Bumalik sa sala si Cy at nanuod ng anime, ako naman ay hinugasan ang mga pinagkainan namin. Matapos akong maghugas ay uupo na sana ako sa tabi ni Cy kaya lang bigla na lang tumunog ang telephone namin kung saan guard lang sa gate ng village ang laging tumatawag.
["Ma'am, nandito po si Sir sa labas, lasing po,"] bungad ng guard.
Oh god, mabuti na lang at nakapag-drive pa siya?
"Pwede po bang paki-dala siya dito sa bahay? Hindi ko po kase siya kaya,"
["Yes po Ma'am,"]
"Thank you." Binaba ko na ang telepono at pumunta kay Cy na nagtataka pa lang nakatingin sa akin.
"Who's that?" He ask.
"Your kuya Vin is drunk, ihahatid siya dito mamaya ng guard," sabi ko naman.
Natawa lang siya dahil alam niyang ako ang mahihirapan sa pag-aalaga kay Vin. Kung pwede ko lang itapon na lang siya sa tabi at pabayaan gagawin ko eh. Maya-maya pa ay may nag-door bell na, nagpasama naman ako kay Cy para may katulong akong buhatin si Vin.
"Ma'am, ang bigat po ni Sir," reklamo ng dalawang Guard.
"Sorry po sa abala," paumanhin ko.
"Wala po yun," kinuha na namin si Vin at pinasok sa loob.
"Ang bigat nga Ate," reklamo ni Cy, kung alam niya lang.
"T-Teka..." Bigla na lang tumakbo papunta sa kusina si Vin at sumuka. Mabuti na lang at alam niya kung saan siya susuka, paglilinisin pa talaga ako.
BINABASA MO ANG
When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓
Teen Fiction[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron ka kapag nalaman mong hindi naman talaga siya ang para sa'yo? Sa bawat pagpatak ng ulan, iba't ibang...