CHAPTER 32

147 14 0
                                    

***

"Kumain na muna kayo, may dala akong pagkain," inilapag ni Cris yung binili niyang pagkain sa lamesa na nandoon, naka-upo naman si Pria sa couch habang si Cy ay natutulog. Ako naman ay hindi maalis sa tabi ni Khad, hanggang ngayon kase hindi pa siya gumigising. Gusto ko na nga siyang buhusan ng tubig ulit para magising siya eh, kaya lang hindi pwede dahil baka mapatay ko siya. Talagang mapapatay ko siya kapag hindi siya nagising ngayong araw.

"Chasty, kumain kana muna." Utos ni Pria, umiling naman ako, nakatulala kay Khad.

"Baka ikaw ang susunod na ma-hospital kapag hindi ka kumain," dagdag naman ni Vin. Napatingin ako sa kaniya ng may maalala ako.

"Anong sabi ng doctor? Hindi ba ikaw yung kausap niya kanina pagkalabas ni Khad sa emergency room?"

"It's nothing, nagpaalala lang siya na laging uminom ng gamot si Khad."

"Nothing? Eh halos mamatay na si Khad nothing pa din!?" Sigaw ko, the fuck lang ha, kapag titingnan ko nga ang katawan ni Khad hindi na siya kagaya ng dati eh, ang payat na at ang putla pa.

"Chasty, calm down," sita sa akin ni Pria.

"Calm down!? Sa tingin niyo ba magagawa ko pa yan? Ni hindi niyo nga sinasabi sa akin kung anong nangyayari sa kaibigan natin, kung hindi pa siya madadala sa hospital wala kayong balak sabihin sa akin na nahimatay na siya, ano ba talaga kayo? Kaibigan ba talaga ang tingin niyo sa akin!?" Sunod-sunod kong tanong, tumutulo na naman ang luha ko sa mata. Hindi ko na naman napigilan ang luha ko.

Napatingin naman sila sa akin maging si Cy ay nagising dahil sa sigaw ko, hanggang ngayon kase hindi pa nila sinasabi kung ano ba talaga ang nangyayari kay Khad, hindi lang naman sila yung nag-aalala, nag-aalala din ako dahil isa ako sa napalapit na ang loob kay Khad at hindi ko pwedeng baliwalain lahat ng nangyayari sa kaniya. Kung pwede ko lang basahin ang mga isip nila para lang malaman ko kung ano ba talaga yun ay gagawin ko.

Napahinga ako ng maluwag ng yumuko silang lahat, gusto ko silang pagbubugbugin yung tipong durog-durog na ang kanilang mukha para lang umamin sila. Nakakainis. Mas lalo pa akong nainis ng walang sumagot ni isa sa kanila.

Nung hapon na ay umuwi si Vin, Cris at Pria, dalawa na lang kami ni Cy ang naiwan doon, hindi pa rin gumigising si Khad. Nakatulog na lang ako sa tabi niya pero wala pa rin.

"Ate, doon ka na lang sa couch, gigisingin kita kapag nagising na si Kuya Khad." Tumango naman ako, nahihirapan kase akong matulog doon dahil masakit sa batok, humiga ako sa couch para matulog pero dahil sa lamig ay hindi ako masiyado nakatulog ng maayos.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero nagising ako na may jacket na sa katawan ko para hindi ako lamigin at base sa amoy noon ay galing yun kay Vin. Mabilis akong bumangon ng maramdamang may pumasok na doctor, kausap nito si Vin at nakikinig lang ako sa kanila, si Cy naman ay natutulog sa kabilang couch.

"Hindi pa ba siya nagigising?" Tanong ng doctor.

"Wala pa po," sagot naman ni Vin.

"If ever magising siya mamaya, don't forget to take his medicine I gave okay?" Tumango naman ang lalaki. "Also, paki-usap huwag niyo siyang hahayang umalis ng hospital hangga't hindi ko sinasabi," napakunot ang noo ko sa pahabol niyang sinabi, napatingin naman ako kay Vin ng makalabas na yung doctor.

"A-Ano yun?" Taka kong tanong at lumapit sa kaniya, naka-upo siya ngayon sa upuan malapit kay Khad.

"S-Si-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng makita namin na gumagalaw na si Khad.

"K-Khad?" Mabilis akong lumapit sa kaniya at inalalayan siyang umupo, napahawak pa siya sa dibdib niya na animo'y masakit.

"Cy, tawagin mo yung doctor." Utos ni Vin na mabilis namang sinunod ng bata.

When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon