***
Bakit nauso pa ang mid term? Bakit may exam pa? Sino ba nagpauso niyan? Kainis.
Nagsusunog ako ngayon ng kilay dahil bukas exam na namin, hindi ko enexpect na ang bilis ng oras, ilang linggo na rin kaming walang pansinan ni Vin, hindi ko enexpect na aabot ng ganoon katagal dahil lang sa sinabi ko, malamang na gusto niya na ring kumawala sa sitwasyon namin pero hindi niya maalis sa sakin na masasabi ko nga yun, baka nga may mas malala pa na hindi ko nailalabas eh.
Subrang sakit na ng ulo ko kaka-aral ng lintik na architecture na ito, puro solving kase, kung alam ko na mas malala pa pala ito sa engineering sana hindi ko na kinuha, pero ito naman ang gusto ko kaya kailangan kong magtiis, para rin naman ito sa kinabukasan ko. Kapag talaga ako at ganap ng architect, si Khad talaga ang kukunin kong Engineer, pwede ko rin namang kuning doctor ko si Vin pero hindi ko alam kung magkakilala pa kami noon o kakalimutan na namin ang isa't isa. Baka may sari-sarili na kaming buhay kapag dumating ang araw na yun.
["Wala ka sa kuwarto mo?"] Gulat na tanong ni Khad, nandito kase ako ngayon sa garden dito ko na naisipang mag-review dahil presko at sariwa ang hangin dito.
"Wala, nandito ako sa garden mas masarap ang hangin," sagot ko naman.
["Ahh mag-review kana, kailangan ko na din mag-review eh, sorry istorbo,"] napataas ang kilay ko sa huling sinabi niya.
"Sira ka ba? Sige na, good luck sa exam." Nakangiti kong sabi sa kaniya.
["Good luck din, galingan mo ha, alam kong ikaw na naman ang top 1 sa buong school,"]
"Ikaw din, dapat maagawan mo ako, o kaya dapat ikaw ang sumunod na sa akin sa rank,"
["I can't promise Chas, may pakiramdam ako na hindi ako masasama sa Rank 5 ng school, siguro nasa 20 pababa,"]
"Ang advance mo naman, basta ginawa mo ang best mo ayos na yun." Ngumiti ako sa kaniya bago tuluyang nagpaalam.
Sinimulan ko na ulit ang pagre-review ko, medyo mahirap ang topic namin ngayong sem pero sana lahat ng isasagot ko sa test paper ko ay tama. Habang nagbabasa ay bigla na lang lumapit sa akin si Venice, tumahol-tahol siya na parang may sinasabi, hindi ko na naman maintidihan kaya tumayo ako, tumakbo siya pabalik sa bahay kaya kunot noo akong napatingin sa bahay, wala namang kakaiba, hindi ko pwedeng ipagwalang bahala ang pagre-review ko kaya hindi ko na yun pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagbabasa.
Hindi ko alam kung anong oras ako natapos sa pagbabasa ko bago ko napagdisisyonan na pumasok na ulit sa loob ng bahay. Hapon na din kase kaya kailangan ko ding kumain para magkalaman naman ang utak ko, kumain din ako ng maraming chocolate para mas active ang mga cells ko sa utak. Kailangan kong makapasa sa exam para kahit papaano may mapatunayan nama ako.
Pagpasok ko ng bahay ay nadatnan ko si Vin na nagbabasa sa sofa habang nanunuod ng tv na pang medical, iba talaga ang talino niya pagdating sa Medical Field. Tumuloy ako sa kusina para kumain, kumuha ako ng pwede kong lutuin sa ref at nakakita naman ako ng karne, naubos na yung binili namin nakaraan kaya si Vin na lang ang namalengke nung isang araw, balak ko din sanang ako na lang ang bumili kaya lang naalala ko na hindi pa nga pala kami nagpapansinan, baka galit pa siya sa akin.
Matapos kong magluto ay kumain na ako, pinakain ko din si Venice, habang kumakain ako ay patuloy pa rin ako sa pagbabasa hanggang sa bigla na lang sumakit ang ulo ko na parang hinahati ito, nasubrahan ata ako sa kaka-aral ko, nakaraan pa kase ako aral ng aral, wala akong ginawa kundi magbasa ng mga lesson ko.
Pinatay ko yung Laptop ko at umakyat na sa taas hawak-hawak ang ulo ko, ipapahinga ko na lang muna siya. Pagpasok ko sa kuwarto ko ay humiga kaagad ako sa kama ko. Mabilis naman akong nakatulog dahil sa pagod.
BINABASA MO ANG
When The Rain Drops (Young Love Series #7)✓
Teen Fiction[COMPLETE] Paano kung bawat pagpatak ng ulan iba't ibang scenario ang magaganap sa buhay mo? Makakayanan mo kayang harapin lahat ng problemang meron ka kapag nalaman mong hindi naman talaga siya ang para sa'yo? Sa bawat pagpatak ng ulan, iba't ibang...