Nanalo kami, aba siyempre. Sa Deadly Duo, paanong hindi kami mananalo? Ito ay isang blow-out sa 56-50 total score.
Ang mga manlalaro ng basketball ay binuhusan ang coach ng isang baldeng tubig. Tumalon-talon ulit si Jenia, at naisip ko kung dapat na ba akong umuwi sa bahay.
Hindi siya interesado sa iyo.
Ralf's words had really gotten under my skin. After all, a girl had her pride.
Sinundan ko ang iba palabas ng gym at bumaba sa parking lot. Jenia had picked me up, at tumayo kami malapit sa kanyang light-blue na Toyota. Kotse iyon ng kanyang ama—natutuwa siyang pinahiram siya nito para sa laro.
Nakita niya siguro ang pag-aalinlangan sa mukha ko kaya nagtanong siya, "Pupunta pa tayo sa party ni Baron, di ba?" Kumunot ang kanyang noo, at binigyan niya ako ng puppy-dog na tingin sa kanyang magandang mukha.
Sa likod namin, may narinig akong sumigaw, “Par-ty, Par-ty!”
"Magiging nakakabaliw ang pagdiriwang," sabi ni Jenia sa akin, bahagya siyang ngumiti. "Lagi namang nakaka-enjoy ang mga party ni Baron."
Sigurado akong tama siya. Nakakabaliw nga. Pero…
“Ganyan na ba sila lagi?” Tanong ko sa kanya habang hinihimas ang upper arms ko.
Napakurap siya sa akin. “Sino...like what?”
“Baron at Ralf. Ang galing talaga nila.” Tulad ng halos mas mahusay kaysa sa UAAP.
“I know, right?”
Inubos ko ang pasensya ko kasi parang hindi ako naintindihan ni Jenia. "Ganito ba sila last year?"
Umiling siya. "Sila ay JV noong nakaraang taon."
Junior Varsity. Nag-igting ang mga ngipin ko. Hay naku, Jenia. Maloloka ako sayo. “Ibig kong sabihin… ganoon ba sila kabilis, sila ba—”
“Hindi.” Nilabas niya ang mga susi niya. Nag-jingle ang mga ito sa kamay niya. "Siguro nagkaroon sila ng growth spurt of something...baka pinahusay lang sila ni coach. Tumingin kasi ako minsan sa kanilang pagsasanay eh. Alam mo na, pampalipas oras ko lang."
If I know para mabantayan mo lang si Trent.
"Nang makita ko sila sa huling practice nila. Alam kong magiging champion tayo ngayong taon."
Nag champion nga sila pero bagsak naman sa ospital ang mga katunggali nila.
“Amara!”
Napalingon ako sa sigaw ng pangalan ko. Tumakbo si Baron papunta sa akin. Hinampas naman siya ng iba sa balikat at sinubukang makipag high five. Yung high five na hindi binibigay ni Ralf.
Nagmamadaling nilagpasan silang lahat ni Baron at lumapit siya sa akin. "Hindi ka aalis, 'di ba?" tanong niya sabay tingin mula sa akin at kay Jenia.
"Um..." Nabasa ng pawis ang buhok niya. Nasa ilalim pa rin ng kanyang mga mata ang mga bahid ng itim. Imbes na magmukhang magandang lalaki, medyo wild siya tingnan ngayon. Mapanganib. Hinubad niya ang kanyang suot na jersey, at isang lumang t-shirt ang nakatakip sa kanyang dibdib.
"Hindi! Huwag kang mag-alala, hindi siya aalis!" Nagmamadaling sabi ni Jenia. "Aalis na ako, pupunta ako sa—"
"Pupunta ka rin sa party, di ba, Jen?"
Namula si Jenia. “S-sige, sure. I wouldn't miss it."
"Cool. Alam mo naman kung saan ang lugar ko, di ba? I bet nagsimula na ang party." Ipinilig niya ang kanyang ulo habang pumipilipit ang kanyang mga labi sa isang malungkot na ngiti. "Palaging may isang taong handang magsimula ng isang party na wala ako."

BINABASA MO ANG
Bite For Once
WerewolfAlam ni Amara Lambino na ang kakahuyan malapit sa kanyang bagong tahanan ay hindi ligtas. Nakita niya ang mga lobo na tumatawid sa madilim na kagubatan na iyon, ngunit hindi madaling matakot si Amara. Si Amara ay likas na may talento, depende sa ku...